Balita

Grand Marian exhibit sa Angono, Rizal

- Clemen Bautista

BILANG alay at bahagi ng gagawing pagdiriwan­g sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria, ang patroness ng iniibig nating Pilipinas sa darating na ika-8 ng Setyembre, isang Grand Marian Exhibit ang binuksan nitong Agosto 25, 2018 sa Angono, Rizal. Ang Grand Marian Exhibit ay nasa kanang bahagi ng loob ng simbahan ng Saint Clement parish. Tampok sa exhibit ang may 78 life-sized na imahen ng Mahal na Birhen na ang marami ay century old na o higit pa.

Ito ay pinagawa ng mga relihiyoso at matandang taga-Angono na deboto ng Mahal na Birhen. Ang mga imahen ng Mahal na Birhen ay ipinamana sa mga anak at apo na nangangala­ga ngayon ng mga imahen ng Mahal na Birhen. Ang Grand Marian Exhibit ay nasa pamamahala ng mga pamunuan at miyembro ng Hermanidad de Maria Santisima de Angono at sa pakikipagt­ulungan ng parish pastoral at iba’t ibang religious organizati­on.

Ang pagbubukas ng Grand Marian Exhibit sa Angono ay pinangunah­an ni Father Gerry Ibarola, kura paroko ng Saint Clement parish, matapos ang misa noong gabi ng Agosto 25, 2018. Dumalo sa pagbubukas ng Marian Exhibit ang mga may-ari ng imahen ng Mahal na Birhen, ng mga miyembro ng religious organizati­on at iba pang may panata at debosyon sa Mahal na Birhen. Kasunod ng pagbubukas ng Marian Exhibit ang Rosario Cantada o pagdarasal ng Rosaryo.

Ang Rosario Cantada ay gagawin

sa panahon ng exhibit. Matatapos sa Setyembre 2, 2018 na bahagi rin ng pagdiriwan­g ng kaarawan ng Mahal na Birhen. Ang Rosario Cantada ay dinadaluha­n ng mga kamag-anak ng may-ari ng mga imahen ng Mahal na Birhen, ng mga may panata at debosyon kay Mama Mary at ng mga miyembro ng Legion of Mary at religious organizati­on.

Ang mga imahen ng Mahal na Birhen na nasa Marian Exhibit sa Angono ay may iba’t ibang pangalan at araw ng kapistahan. Mababanggi­t na mga halimbawa ang Mahal na Birhen ng Pagbati at Pagkabuhay, Birhen ng Santo Rosario, Birhen ng Fatima, Our Lady of Peñafranci­a, Nuestra Señora de Aranzasu, Our Lady of Mount Carmel, Nuestra Señora del Pilar, Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga, Stabat Mater Dolorosa, Ina ng Awa, Mary Help of Christian, Our Lady of Guadalupe, Our Lady of Lourdes, Mahal na Birhen Antipolo, Nuestra de las Estrellas,

Virgen de Turumba, Nuestra Señora da Las Flores, Nuestra Señora de Candelaria, Birhen ng Imaculada Concepcion at Nuestra Señora de la Reina de Macati.

Ayon sa pamunuan ng Hermanidad de Maria Santisima de Angono, sa darating na kaarawan ng Mahal na Birhen sa ika-8 ng Setyembre, umaabot sa 40 imahen ng Mahal na Birhen na nasa Marian Exhibit ang isasama sa Grand Marian Procession sa ganap na 3:30 ng hapon. Kasama sa prusisyon ang mga mag-aaral sa Angono, mga miyembro ng religious organizati­on, mga kamag-anak ng may-ari ng imahen ng Mahal na Birhen at ng mga may debosyon kay Mama Mary.

Matapos ang prusisyon ay isang concelebra­ted mass ang gagawin sa simbahan ng Saint Clement parish bilang alay sa kaarawan ng Mahal na Birhen. Matapos ang misa, ang mga imahen ng Mahal na Birhen ay ihahatid na sa bahay ng mga mayari

nito na may libreng pakain sa mga sumama sa paghahatid. Ang libreng pakain ay panata ng may-ari ng imahen ng Mahal na Birhen at bahagi ng kanilang pasasalama­t at pakikisa sa pagdiriwan­g ng kaarawan ni Mama Mary. Ang pagkakaroo­n ng maraming imahen ng Mahal na Birhen sa Angono, Rizal ay malinaw na patunay na maraming taga Angono ang may matapat at malalim nadebosyon sa Mahal na Birhen.

Ang Mahal na Birheng Maria ay isinilang sa Nazareth, Galilea. Anak siya nina San Joaquin at Santa Ana. Siya’y isinilang upang maging Ina ng Tagapaglig­tas ng sangkatauh­an at ispirituwa­l na ina ng lahat. Si Maria ang pinakabana­l sa lahat ng nilikha ng Poong Maykapal. Ipinaglihi at isinilang siya na puspos ng kalinisan at puno ng grasya. Ang pagsilang ng Mahal na Birhen ay itinuturin­g na bukang-liwayway ng sangkatauh­an sapagkat siya ang napiling maging Ina ng Mananakop.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines