Balita

Sheena Halili, engaged na!

- Ni NORA V. CALDERON

ENGAGED na si Kapuso actress Sheena Halili, nang mag-propose ang kanyang non-showbiz boyfriend na si

Jeron Manzanero, sa Promenade Cinema sa Greenhills, San Juan City, nitong Linggo ng gabi, noon ay nanonood sila ng movie nang biglang lumabas sa screen ang: “Sheena will you marry me?

Madali namang ipinost ni Kapuso actress Rich Asuncion sa kanyang Instagram account ang kaganap at caption niya, “Congrats to the newly engaged, our dearest @mysheenaha­lili and @jemanzaner­o. Welcome to the club!”

Si Rich ay ikinasal na rin kamakailan at ngayon ay preggy na sa first baby nila ni Benj Mudie. Ipinakita rin ni Rich sa kanyang IG ang snippets ng video presentati­on ng proposal ni Jeron kay Sheena, na nakitang yumakap sa nakaluhod na si Jeron habang umiiyak na sumagot ng ‘yes’ sa boyfriend.

Natatandaa­n namin nang bumisita kami last year sa set ng Impostora, kung saan isa si Sheena sa cast. Doon niya inamin na boyfriend na niya sa Jeron, biniro pa nga namin siya na right time na rin dahil she’s already 30 years old na that time. Nitong Enero 16, 2018, 31 years old na siya. Ang best friend niyang si Maine Mendoza, na naging close niya nang magsama sila sa romcom teleserye na Destined To

Be Yours, na pinagbibid­ahan niya at ni Alden Richards, ay isa sa mga natuwa na sa wakas ay may boyfriend na siya. Ipinagpasa­lamat ito ni Sheena kay Maine at nag-comment na “natupad na wish mo para sa akin, lakas mo talaga kay Lord.”

Sa kanyang Instagram account naman, caption ni Sheena: “Siya ang panalangin ko.”Agad namang nag-post si Marian Rivera ng pagbati sa kaibigan na nagsimula pa noong una silang magkasama sa Amaya at hanggang sa ngayon, ay para pa rin silang magkapatid.

Napuno ng congratula­tory wishes ang IG ni Sheena mula sa mga kapwa niya Kapuso at iba pa niyang nakatrabah­o at mga kaibigan. Kabilang si Sheena sa first batch ng StarStruck na ang ultimate winners ay sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Mukhang si Sheena na ang last among the seven girls of StarStruck 1 na na-engaged.

Hintayin nalang natin ang kanilang wedding. Sa ngayon ay isa si Sheena sa cast ng action-comedy-fantasy series na Victor Magtanggol.

 ??  ?? Jeron at Sheena
Jeron at Sheena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines