Balita

Pumatay kay John Lennon, pinagkaita­n ng parole

-

MANANATILI­NG nakakulong ang pumatay kay John Lennon.

Nitong Huwebes ay ibinasuran­g muli ang parole request ni Mark David Chapman—ang ikasampung pagkakatao­n, ayon sa Associated Press.

Naghain ulit si Mark, 63, ng request sa parole board ng New York nitong Miyerkules, dalawang taon makaraang ibasura ang kanyang parole noong 2016.

Kasalukuya­n niyang tinatapos ang 20-yearsto-life na parusang ipinataw sa kanya sa Wende Correction­al Facility sa Western New York, makaraang mapatunaya­ng nagkasala sa second-degree murder noong 1981.

Sa denial decision na nakuha ng Associated Press, isinulat ng parole panel ni Mark na ang pagpayag ng parole ng suspek “would be incompatib­le with the welfare and safety of society and would so deprecate the serious nature of the crime as to undermine respect for the law.”

“You admittedly carefully planned and executed the murder of a world-famous person for no reason other than to gain notoriety,” lahad sa statement.

“While no one person’s life is any more valuable than another’s life, the fact that you chose someone who was not only a world renown person and beloved by millions, regardless of the pain and suffering you would cause to his family, friends and so many others, you demonstrat­ed a callous disregard for the sanctity of human life and the pain and suffering of others,” saad pa sa pahayag.

Habang nasa kulungan ay inamin ni Mark na ang kanyang ginawang krimen ay “selfish and evil.” Binaril si John sa harap ng kanyang asawang si

Yoko Ono sa labas ng kanilang apartment sa Manhattan Upper West side apartment noong Disyembre 1980. Siya ay 40 taong gulang noon, ulat ng People.

 ??  ?? Mark John
Mark John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines