Balita

Elza Soares, ‘incredible woman’

-

MUKHANG iba ang epekto ng pagtanda para kay Elza Soares. Ang Brazilian samba legend ay 81-anyos na ngunit nasa Rio de Janeiro concert para sa kanyang bagong album, ang Deus e Mulher (God is a woman).

“Let me tell you, my age has nothing in common with the way I feel,” sabi niya sa

AFP nang makausap sa telepono, bago pa man ang kanyang show ngayong araw, sa kanyang native city.

Sa kanyang hindi maitatatwa­ng boses, sinabi ni Soares na sobrang excite siya na tumuntong sa entablado, kahit na kumakanta na siya nang nakaupo.

“I consider this a good moment, an extraordin­ary one in my career. I don’t know if it’s the best. The best was when I started. Things are always marvelous when you start,” aniya.

Ang powerful voice ni Soares ay isang integral part ng Brazilian music.

Hindi naman naging hadlang ang kanyang extraordin­arily dramatic personal life — kabilang ang ilang problema sa buhay may asawa, at pagpapakas­al sa footballer na si Garrincha — para maging isang national figure.

Ang kanyang self-confidence at dedikasyon sa paglikha ng awitin ang naging susi para manatili siya sa industriya. Nang tanungin kung mayroon siyang love life ngayon, biro niya: “I’m dating Elza Soares.”

“I’m in love with her, this incredible woman. I’m going to ask to marry her,” sabi niya.

Ang kanyang pinakabago­ng album, na inilabas noong Mayo, ay nag-udyok para magkaroon ng ilang debate tungkol sa papel ng kababaihan sa Brazil, kung saan dumarami ang bilang ng kaso ng rape at femicide — ang intentiona­l na pagpatay sa kababaihan.

Bilang isang black woman sa Brazil, kung saan tinatayang kalahati ng populasyon ay non-white, ngunit ang kapangyari­han at yaman ay tinatamasa lamang ng whites, siya ay inirerespe­to sa bansa.

“We live in a country with horrendous prejudices,” sabi niya. “It’s my country, my land and I love it so much, but we almost have no rights. Poor, black, female — what rights are there?”

Pinuri ang album dahil sa ito ay kakaiba at sa malikhaing pag-imbento ng mga awitin.

Ayon sa kanyang producer na si Guilherme

Kastrup, “musically Soares hasn’t lost a beat”, with a “way of thinking that is very contempora­ry.” “She’s a hurricane of life,” sabi niya. At sumang-ayon naman sa producer si Soares. “I was always very daring, I was never afraid of anything and I’m going forward,” dagdag pa niya.

Inihayag naman ni Soares na lumakas ang loob niya dahil sa nagaganap na paglakas ng Brazilian feminism at LGBT activism.

“I think that’s my triumph. It’s not possible to stay put in one place. If things are bad, then go forward. It’s what I always do.

“I see women becoming more open, with greater ability to express themselves, to demand more, to ask for their rights,” ani Soares.

“The enslavemen­t of women is over. Without women, you have no world… That’s why God is a woman, God is mother.”

 ??  ?? Elza
Elza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines