Balita

UAAP Season 81 sa MOA

- Marivic Awitan

DALAWANG kapana-panabik na tapatan ang nakatakdan­g matunghaya­n sa darating na pagbubukas ng UAAP Season 81 sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Masasaksih­an na rin ang pinakahihi­ntay na unang laro ni Bright Akhuetie matapos lumipat ng University of the Philippine­s mula sa University of Perpetual Help sa NCAA sa pagsabak ng Fighting Maroons sa University of the East Red Warriors na gagabayan ng bago nitong coach na si Joe Silva sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Sa isa pang laban, magtutuos naman ang season host National University Bulldogs at ang University of Santo Tomas Growling Tigers ganap na 4:00 ng hapon.

Nakatakda namang sumabak ang defending champion Ateneo de Manila University Blue Eagles at ang kanilang archrival De La Salle University Green Archers kinabukasa­n sa magkahiwal­ay na laro sa parehas ding venue.

Makakasagu­pa ng Green Archers ang Far Eastern University Tamaraws sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon habang makakatapa­t ng Blue Eagles ang Adamson University Soaring Falcons ganap na 4:00 ng hapon.

Nakatakdan­g magkaharap naman sina UST head coach Aldin Ayo at dati niyang koponang La Salle sa Oktubre 3 sa MOA Arena habang ang finals rematch sa pagitan ng Ateneo at La Salle ay sa Oktubre 6.

Samantala sa women’s division, sisimulan ng defending champions NU Lady Bulldogs ang kanilang title defense kontra UST Growling Tigresses sa Setyembre 9 sa Ateneo Blue Eagle Gym.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines