Balita

R5.4-M shabu nasamsam sa 5 minors

- Orly L. Barcala

Aabot sa mahigit P5.4 milyong halaga ng shabu, na may kabuuang 802 gramo, ang nasamsam sa limang menor de edad at isang 35-anyos na lalaki sa magkakahiw­alay na lugar sa Bulacan at Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Iniharap kay National Capital Regional Office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Argie Sampona, 17; magkapatid na sina Atang Mauna, 16; at Joari Mauna, 15, pawang residente ng Pandi Bulacan; Jun Resinayat, 16; Steven Laloy, 17; at Ronald Isip, 35, pawang sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Ayon kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcemen­t Unit (DDEU) at unang tinarget si Sampona sa Pandi Bulacan, dakong 8:30 ng gabi. Nakuha kay Sampona ang pakete ng umano’y shabu.

Sa interogasy­on, ikinanta ni Sampona ang binabagsak­an niya ng droga at ito ang magkapatid na Mauna at nasamsam ang 22 pakete ng ilegal na droga.

Makalipas ang ilang oras, ikinasa ng DDEU ang ikatlong buy-bust operation at nadakip sina Resinayat, Laloy at Isip sa Mindanao Avenue, Quezon City. Nakuha sa kanila ang limang pakete ng umano’y shabu.

Sa kabuuan, nasa 32 pakete ng ilegal na droga ang nasamsam sa operasyon.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Sec 5, 11 at 26 ng Art. 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines