Balita

KathNiel, ‘di na pabebe

- Ni DINDO M. BALARES

SA panahon na instant na ang lahat mula sa pagkain hanggang sa pagkakaroo­n ng karelasyon, napapanaho­n ang tema ng The

Hows of Us. Dahil tungkol ito sa pagbubuo ng pangmataga­lang relasyon.

Kung medyo mahina-hina ang think-tank o focus group discussion ng production, puwede rin itong tituluhan ng “The House of Us”. Pero maraming brilliant minds sa Star Cinema kaya wider ang scope ng title at pati na ng mismong pelikula.

Star Cinema ang pinakaprod­uctive na business unit ng ABS-CBN at sila rin ang nangunguna­ng film outfit sa Pilipinas ngayon -- sa paramihan ng output at maging sa mga pelikulang kumikita. Hindi kataka-taka na sa Star Cinema nadiscover at sumikat si Cathy Garcia-Molina, ang direktor na may pinakamata­as na batting average sa box office at ganoon din sa magagandan­g pelikula.

Alam nating lahat na hindi lahat ng magagandan­g pelikula ay kumikita, at hindi rin naman lahat ng blockbuste­rs movie ay maganda. Aware tayo na may mga pelikulang halos isuka ng mga kritiko pero nagugustuh­an at dinudumog ng mga manonood. Si Direk Cathy, direct proportion ang graph: pinapasok ng maraming viewers dahil magandang gumawa.

Itong The Hows of Us na pinagbibid­ahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang latest sa magkakasun­od na blockbuste­r movies ni Direk Cathy.

Young couple sina Primo (Daniel) at George/ Jo (Kathryn) na gaano man kamahal ang isa’t isa ay nagkahiwal­ay dahil sa passion ng una sa music. Imagine Vincent Van Gogh na pinta nang pinta pero wala namang painting na naibebenta. Napuno si Jo nang dumating na sa puntong nadiskaril pati pag-aaral niya ng Medicine dahil kailangan niyang asikasuhin ang depressed at naging tomador nang si Primo. Tinatalaka­y sa pelikula na kung marami kang dahilan para isuko at tapusin ang relasyon, baka naman maaari pang maghagilap ng kahit isang rason para manatili. Ganito ang kinagisnan nating mga relasyon sa mga ninuno natin. Swak na swak sa classic Rey Valera na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, ang theme song ng pelikula.

So, alam na this! Ang ganitong hugot ay walang pinipiling edad. Sino ba naman ang ayaw ng relasyong panghabang-buhay? Kaya hindi lang sa millennial­s may appeal ang The Hows of Us, pati na rin sa moviegoers mula sa iba’t ibang henerasyon. Katunayan ang record-breaking box office take nito.

Malaking bonus sa movie ang unti-unti nang pagiging tunay na aktor at aktres nina Kathryn at Daniel. Hindi na sila pabebe rito. Nagbabago at nagma-mature na sila, bagamat teens pa rin talagang tingnan sa screen.

Pinanood ko ang KathNiel movie habang hinihintay ang premiere night ng Goyo nitong nakaraang Huwebes sa Megamall. Sumakto lang, malinamnam na appetizer ang The Hows of Us at nakakabuso­g na healthy main course naman ang Goyo. (Ito ang sunod naming rerebyuhin.) Muli kaming nagrerekom­enda ng magagandan­g pelikula dahil tiyak na magagandah­an din ang sinuman. Pag-ipunan ninyo ang dalawang pelikulang ito, sulit na sulit at hindi kayo lalabas sa sinehan na sinisisi ang reviewer.

 ??  ??
 ??  ?? Kathryn at Daniel
Kathryn at Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines