Balita

Pang-aabuso ng mga pari, handang ilantad ni Duterte

- Genalyn Kabiling

Handa si Pangulong Duterte na tumulong sa paglalanta­d sa mga pang-aabuso ng mga Pilipinong pari sa gitna ng umano’y coverup sa iskandalon­g ipinupukol sa Simbahang Katoliko.

Sinabi ng Pangulo, na umaming siya ay inabuso ng isang pari noong siya ay bata pa, na mayroong “worldwide condemnati­on” sa mga batang inabuso ng mga pari.

“Pati si Pope is the center of a turmoil because of the so many thousands, including us sa Ateneo de Davao. And we were being fondled by priests while confessing,” pahayag ni Duterte nang bumisita sa Mandaue City, Cebu, nitong Huwebes.

“And despite worldwide now, everybody is trying to seek an opening para abrihan gyud tanan (to open everything). And I will be glad to do it here in the Philippine­s. Buksan mo lahat kay kasi may biktima rin,” dagdag niya.

Sinang-ayunan ni Duterte ang sinabi ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco na ang Simbahang Katoliko ang “most hypocritic­al institutio­n in the Philippine­s.”

Sinabi rin niya na simbahan ay “not survive” sa alegasyon ng kurapsiyon at pang-aabuso. Sinabi niya na “time to adore God without the interventi­on” ng mga pari.

“Itong Katoliko na ito, it will not survive. Especially when I am no longer the President and I start to lecture,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na pumupunta siya sa Simbahan “because it is quiet, silent” pero hindi para pakinggang ang sermon ng pari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines