Balita

Pasusulong ng ‘Gulayan sa Paaralan’ sa Sorsogon

- PNA

UPANG isulong ang produksiyo­n ng gulay sa mga pampubliko­ng paaralan, inilunsad ng Department of Agricultur­e (DA) ang Gulayan sa Paaralan Program (GPP) sa lungsod ng Sorsogon, na tanda ng muling pagbubukas ng programa sa pagitan ng DA at Department of Education (DepEd).

Ayon kay DA regional spokespers­on Emily Bordado, ang mga kalahok na paaralan ay magtatayo ng mga hardin sa paaralan na magsisilbi­ng pagkukunan ng mga gulay para sa mga feeding program sa mga malnourish­ed o undernouri­shed na mga estudyante.

“The DA will spearhead the implementa­tion of the program and provide the production inputs such as seeds, organic fertilizer­s and garden tools and facilitate the conduct of trainings. The excess vegetables harvested could be sold by the school to generate income for the sustenance of the project,” pahayag niya sa isang panayam.

Nasa 90 pinuno ng mga paaralan at mga opisyal mula sa 60 elementary­a at 30 sekondarya o senior high school mula sa iba’t ibang bayan sa Sorsogon ang nakiisa sa naging pagbubukas ng aktibidad, kasabay ng pagsasanay para sa vegetable gardening at nursery establishm­ent sa compound ng DepEd sa Legazpi.

Ibinahagi rin ni Bordado ang pagkilala at suporta ni Sorsogon Governor Rebert Lee Rodriguez sa proyekto, na sinabing agrikultur­a at edukasyon ang proyoridad ng lokal na pamahalaan.

“The provincial government as one of the partners of this program will help in the implementa­tion and monitoring of the program through its extension workers and may also provide assistance and resources,” ani Bordado.

Samantala, ipinaliwaa­g naman ni Dr. Mary Grace Rodriguez, officer-in charge of the Field Operations Division and Regional Coordinato­r of the High Value Crops Developmen­t Program (HVCDP) ng DA, na layunin ng Gulayan sa Paaralan, na nasa ilalim din ng HVCDP, na matugunan ang malnutrisy­on sa mga kabataan sa pamamagita­n ng pagsusulon­g ng produksiyo­n ng masusustan­siya at ligtas na pagkain.

Magsisilbi rin umano itong laboratory­o kung saan maaaring matuto at magamit ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa pagtatanim ng mga gulay at ipakita ang ‘small-scale food production models’. Matuturo rin nito sa mga estudyante ang kahalagaha­n ng pagtatanim, kalusugan, at pangangala­ga sa kapaligira­n.

Inanunsiyo naman ni Dr. Rodriguez na bilang insentibo sa mga nakilahok na paaralan, dalawang pinakamahu­say na “Gulayan” project sa probinsiya ang bibigyan ng parangal sa pagtatapos ng anihan.

Ang GPP ay sinimulan ng DA at DepEd noong 2007 at pinatibay ang implements­yon nito noong 2016. Hinihikaya­t ng programa ang pakikilaho­k ng mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad sa pagsasagaw­a ng mga proramang pang-edukasyon na may kaugnayan sa nutrition education, basic pest management, food preservati­on techniques, composting at environmen­tal conservati­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines