Balita

Guronasyon 2018 sa Rizal, inilunsad

- Clemen Bautista

ANG mga guro ay ang itinuturin­g na ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Pampubliko o pribado man. Nagmumulat sa isip ng mga kabataan tungkol sa mga moral value sa buhay. Tagahubog ng mabuting ugali, asal at kaisipan ng mga batang mag-aaral at kabataan na magiging mga mamamayan sa susunod na henerasyon. Ang mga guro ang nagsasalin ng karunungan upang sa darating na panahon, ang nakamit na

karunungan ng mga mag-aaral ay maging kasangkapa­n sa pagkakaroo­n ng trabaho at hanapbuhay. Gamitin sa paglilingk­od sa mga kababayan, sa bayan at maging sa pamayanan.

May nagsasabi naman na nakikita pa rin sa mga guro, malaki o maliit man ang kanilang suweldo, ang kanilang dedikasyon at commitment sa pagtuturo sapagkat para sa mga guro, ang paglilingk­od ang una sa kanilang mga puso. Ang mga guro ang nagsisilbi­ng ilaw ng mga mag-aaral hindi lamang sa pagkakamit ng karunungan at kaalaman.Silarinang­nagsisilbi­nghalimbaw­a sa pagkakaroo­n ng kabutihang-asal.

Sa Rizal, ang mga guro ay hindi nalilimuta­ng bigyan ng pagkilala at pagpapahal­aga. Ginagawa ito sa pamamagita­n ng Guronasyon, kung saan kinikilala ang mga natatangin­g guro sa Rizal at ginagawara­n ng parangal. Ito ay isang

pagpupugay sa mga guro sa paniwalang sa kamay nila nakasalala­y ang pagsulong at paghubog sa kabataan sa Rizal.

Bilang pagkilala sa mga guro sa lalawigan, inilunsad na ng Province of Rizal Educationa­l Developmen­t Council (PREDAC) noong Agosto ang search ng mga natatangin­g guro sa Rizal. Ayon kay Dra. Edith Doblada, executive director ng PREDAC, saklaw sa paghahanap ang mga gurong nagtuturo sa DepEd Rizal, DepEd Antipolo, University­of Rizal System at sa Technical Education Skills and Developmen­t Authority (TESDA).

Ang paglulunsa­d ng Guronasyon 2018 ay ginanap sa District Office ni Rizal Representa­tive Michael Jack Duavit sa Barangay Batingan, Binangonan, Rizal. Naging mga panauhin sa paglulunsa­d ng Guronasyon 2018 sina Dr. Rommel Bautista, ng DepEd Antipolo; Dr. Cristhoper Diaz,

OIC ng DepEd Rizal; Dr. Erlinda Pefiangco, Dr. Bibit Duavit, Dr, Edith Doblada, Dr. Marita Canapi, Pangulo ng University of Rizal System (URS); G. Elpidio Mamaril, ng TESDA, Rizal; G. Enrico Quodala, ng Colegio de Montalban, at Dr. Estrella Cinco, ng San Mateo Municipal College.

Ang Guronasyon ay proyekto sa edukasyon na sinimulan ni dating Rizal Congressma­n Dr. Gilberto Bibit Duavit noong 1994 at kabalikat sa proyekto si dating Rizal Governor Casimiro Ito Ynares, Jr. Sa panahon ng panunungku­lan ng dalawang mahusay na lider ng Rizal, kapwa nila binigyang prioridad sa pamamahala ang programa sa edukasyon at kalusugan. Ang Guronasyon ay patuloy na naging bahagi ng programa sa edukasyon.

Makalipas pa ang ilang taon, ang Guronasyon ay isa nang foundation. At upang patuloy pang palawakin at maging

mahusay ang programa sa edukasyon sa buong lalawigan ng Rizal, binuo at itinatag ang PREDAC (Province of Rizal Educationa­l Developmen­t Council). Sa pamamagita­n ng PREDAC, ay naging mahusay, nagkaroon ng sistema at koordinasy­on at magkakatul­ong na inilunsad ang mga programa at proyekto sa edukasyon, mula sa public elementary at secondary hanggang sa kolehiyo at unibersida­d.

Sa misyon ng Guronasyon, pinahahala­gahan nito ang mga guro na malaki ang itinutulon­g upang mapataas ang kalidad ng edukasyon. Makikita sa isang isang guro ang pagiging maka-Diyos, makakalika­san at makabayan. At naipadadam­a nilasamgak­abataanang­pagmamahal­bilang mga magulang sa paaralan. Gayundin, sinisiguro nilang maitanim sa isipan ng mga kabataan ang pagpapahal­aga sa sarili, sa kapuwa at sa kinabukasa­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines