Balita

Wala nang mura ngayon

- Celo Lagmay

WALANG dapat na ikamangha sa walang puknat na panggagala­iti ng mga mamimili, kabilang na ang aming Yaya: Wala nang murang bilihin ngayon. Naniniwala ako na ang kanilang tinutukoy ay presyo ng halos

lahat ng pangunahin­g pangangail­angan ng sambayanan. Isipin nga naman na ang isang bungkos ng kamote na binubuo ng limang talbos ay nagkakahal­aga ng limang piso!

Malaki na rin ang itinaas ng halaga ng mga pagkaing de-lata o canned goods. Hindi na tumatalab ang suggested retail price (SRP) na ipinatutup­ad ng gobyerno upang bumaba naman, kahit paano, ang presyo ng naturang mga bilihin. Sanhi marahil ito ng hindi rin mapigilang pagtaas ng halaga ng lata o tin materials na ginagamit sa produksyon ng naturang mga canned goods.

Pati ang mga kompanya ng tubig,

kuryente at iba pang basic services ay naguunahan sa pagpapapat­aas ng singil sa mga consumer. Totoo na ang naturang mga water at power concession­aires ay patuloy sa pagpapabut­i ng kanilang serbisyo, tulad ng modernisas­yon ng electrical connection­s at pagpapalit ng tubo ng tubig. Subalit nararapat din naman nilang isaalang-alang ang nakalulula­ng pagtataas ng singil na hindi na halos matugunan ng taumbayan, lalo na ng mga nagdarahop sa pamumuhay.

Hindi rin maawat ang mga kumpanya ng langis at gasolina sa pagtatakda ng halos sagad sa langit na price increase. Walang

nakapipigi­l sa gayong sistema ng kanilang pagnenegos­yo sapagkat pinanganga­lagaan sila ng Oil Deregulati­on Law (ODL) -ang batas na labis na nagpahirap sa mga motorista at sa sambayanan sa kabuuan. Ang naturang batas na dapat ay matagal na sanang pinawalang-bisa ang maituturin­g na salot sa lipunang Pilipino.

Ang lahat ng nakadidism­ayang situwasyon­g ito, at marami pang iba, ay isinisisi sa Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Law (TRAIN). Sinasabing ito ang nagpapataw ng buwis sa mga produkto ng malalaking negosyo. Nagkakaroo­n ito ng kawing-kawing na epekto na nagiging

dahilan ng pagtatakda ng mataas na presyo sa mga bilihin.

Totoo man o hindi ang gayong mga pananaw, marapat ang dagliang aksiyon ng administra­syon upang mapawi ang panggagala­iti ng mga mamamayan. Natitiyak ko na ang sitwasyong ito ay pagpipista­han ng mga kritiko na wala nang nakikitang nagawang mabuti ang gobyerno.

Kailangan nang pawiin ang paniniwala na wala nang mura ngayon, maliban sa buhay ng tao. Marahil, ang tinutukoy ay mga biktima ng Oplan Tokhang -- mga users, pusher, druglords -- na inuutas kapag nanlalaban.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines