Balita

Gastos sa ‘Goyo’, umabot nga ba ng R200M?

- Ni REGGEE BONOAN

NANG mapanood namin ang Goyo: Ang Batang Heneral sa red carpet premiere nitong Huwebes, sa SM Megamall Cinema 9, ay naalala namin ang sinabi ng direktor na si Jerrold Tarog na doble ang nagastos ng TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios sa pelikulang ito ni Paulo Avelino kumpara sa Heneral Luna ni John Arcilla.

Totoo naman dahil sa production design ng mga location at mga costume ay sobrang gastos na, ang daming artista ang kasama at higit sa lahat, ilang talents ang kinuha para sa Goyo: Ang Batang Heneral?

Kaya pala umabot sa 60 days ang shooting dahil sa hirap.

Kung umabot sa P80 milyon ang gastos ng Heneral Luna, ibig sabihin ay nasa 160M ang Goyo o higit pa?

Sinabi kasi ni Direk Quark Henares,

ng Globe Studios at isa sa producers, one-fourth lang ang share nila sa Goyo.

Pero ang saktong sabi sa amin: “Sobrang laki talaga ng cost, ‘yung share namin na ¼ puwede na akong gumawa ng epic film.”

Eh, magkano ba ang inaabot sa paggawa ng pelikulang epic? Ibig bang sabihin ay umabot sa P200M ang ginastos sa latest movie ni Paulo? At tinatayang nasa P50M ang na-invest ng Globe?

Curious din kami kung magkano naman ang itinaya ni Paulo sa Goyo bilang co-producer.

“Sakto lang, mas malaki pa rin ang TBA,”sabi noon ni Paulo.

So may P25M naman ang share ng aktor, na dahilan kaya nabanggit niya sa kaibigan niya na talaga daw nasaid siya?

Well, kita naman sa pelikula na hindi ito tinipid, at sa mga manonood, sulit na sulit din ang ibabayad ninyo dahil maganda ang visuals ng pelikula, lalo na ang cinematogr­aphy. Hindi na kami magtataka kung humakot ulit ng award ang Goyo: Ang Batang Heneral mula sa lahat ng award-giving bodies sa 2019.

Going back to Goyo: Ang Batang Heneral, ngayon lang kami nakadalo sa red carpet premiere na ginanap sa apat na sinehan ng SM Megamall. Tatlo lang noong una ang pagpapalab­asan ng pelikula, Cinemas 7, 8, 9. Pero idinagdag ang Cinema 11 para ma-accommodat­e ang lahat ng bisitang inimbita para mapanood ang pelikula.

May tanong pala kami, bakit Bato Sa Buhangin ang theme song ng Goyo? Dahil ba sa batuhan inilibing ang batang heneral habang binabasa ni Remedios (Gwen Zamora) ang huling sulat sa kanya ng kasintahan.

Anyway, walang nabago sa acting ni Paulo bilang Goyo, dahil pareho lang ang acting niya sa mga nauna na niyang pelikula.

Ang galing ni Epy Quizon kahit nakaupo lang siya bilang si Apolinario Mabini.

Mahusay naman si Mon Confiado bilang si Presidente Emilio Aguinaldo, na halos lahat ng pelikulang may kinalaman sa Philippine Republic ay laging masama ang karakter niya.

Dapat sigurong mag-reduce o magdiet si Benjamin Alves bilang si Manuel L. Quezon dahil malusog siya sa screen.

Ang nagmarka para sa amin ay si Art Acuña, na kahit dalawa lang ang eksena niya na binu-bully niya si Goyo, dahil parang asong tagasunod ni Presidente Aguinaldo, pero walang nagawa ang batang heneral.

Sa kabuuan ng Heneral Luna at Goyo

ay lumalabas na isa sa bida si Aaron Villaflor bilang si Joven Hernando, na nagkukuwen­to ng mga nangyari base sa punto de vista niya.

At heto, buhay siya ulit sa ending ng Goyo. Sa madaling salita, tatawid ulit siya sa Manuel L. Quezon, na 3rd installmen­t ng TBA Studios at Globe Studios.

Mapapanood na ang Goyo: Ang Batang Heneral sa Setyembre 5, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines