Balita

‘Clash’ contestant­s, kabado kay Mirriam

-

NGAYONG Saturday, September 1, ay simula na ng paghahanap ng The Clash ng susunod na singing superstar mula sa Top 12 Clashers. Ang mananalo ay tatawaging The Clash Grand Winner.

Ang top 12 clashers ay sina Anthony Rosaldo ng Valenzuela, Mirriam Manalo ng Pampanga, Malbelline Caluag ng Bulacan, at Garrett Bolden ng Olongapo.

Visayas bets naman sina Kyryll Ugdiman ng Iloilo, Lyra Micolob ng Davao, habang mula sa Cebu sina Esterlina Olmedo, Danielle Ozaraga at Golden Canedo.

Sa Mindanao naman nagmula sina Jong Madaliday ng North Cotabato, at Josh Adornado ng Cagayan de Oro.

Internatio­nal Clasher naman si Mika Gorospe mula sa USA.

Sa media conference, natanong ang bawat isa kung bakit sila ang dapat maging The Clash Grand Winner. Sagot nila, dahil sa kani-kanilang kakayahan na gusto naman nilang mai-share sa mga manonood at panahon na para sila makilala.

Sino sa kanilang top 12 clashers ang kinatataku­tan nilang makalaban?

May nagsabi na si Anthony Rosaldo ang kinatataku­tan nila kasi nga nang muli silang magperform isa-isa ay makikitang relax na relax ito sa pagkanta, sanay na sa mga ganoong pacontest. Mayroon ding kabado kay Esterlina Olmedo, dahil at

51, kayang-kaya pa rin niyang kumanta at gusto ngang matutunan ni Mirriam Manalo kung paano nakakapili ng kakantahin niya si Esterlina.

Pero sa kanilang 12, ang nakakuha ng maraming sagot ay si Mirriam, na kamukha ni Alma Concepcion at ng dating actress na si Shirley Fuentes. Half-German daw ang mommy niya. Pero may lucky charm na si Mirriam, ang four-month old baby na ipinagbubu­ntis niya ngayon. Hindi pa sila kasal ng boyfriend niya of two and a half years na, rugby player at half-Syrian. Biro namin, ang ganda o ang guwapo siguro ng magiging baby nila.

Hindi na pala bago kay Mirriam ang sumali sa mga contest dahil 18 years old pa lamang siya nang kunin siyang singer ng isang top hotel in China, at kumakanta siya sa mga branches ng hotel sa Guangzhou, Guilin at Shenzhen near Hong Kong. “Nang mag-join ako ng The Clash hindi pa ako buntis. My boyfriend and I have been trying to have a child since I’m already 26, pero walang nangyayari. Then, when I least expected it dahil nasa competitio­n nga ako, doon Niya ibinigay. “Pinag-isipan kong mabuti kung itutuloy ko pa ang pagsali ko sa competitio­n dahil maselan ang pagbubunti­s ko. ‘Yung first three months, talagang laging masama ang pakiramdam ko, so I took a lot of medicines para kumapit ang baby ko . And now, heto na kami, lucky charm ko ang baby ko at nakapasok ako sa Top 12 Clashers.”

Nagulat man sa pagpili sa kanya, thankful siya and flattered at mas na-inspire daw siya na lalong pagbutihin sa tuwing kakanta sila. Pero nagwi-wish din siya ng success para sa mga kasama niya. Ngayong gabi, mapapanood ang The Clash after ng Pepito Manaloto at sa Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

 ??  ?? Mirriam Nora V. Calderon
Mirriam Nora V. Calderon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines