Balita

Batang Pinoy Nat’l Finals sa Baguio

- Ni ANNIE ABAD

BAGUIO CITY -- Selyado ng isang Memorandum of Agreement ang kasunduan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Baguio City at Benguet para sa pagtatangh­al ng Batang Pinoy National Championsh­ip sa Setyembre 15-21.

Nilagdaan nina PSC Commission­er Celia Kiram, Baguio City Mayor Mauricio Domogan at Benguet Provincial Governor Crescencio C. Pacalso ang MOA kamakalawa sa Fortune Hong Kong Seafood Restaurant dito.

Lubhang ikinasiya ni Mayor Domogan ang pagkakapil­i sa kanilang lalawigan upang maging host ng programa ng PSC para sa grassroots na naglalayon na humanap ng dekalidad na talento upang maging Superstar athlete sa hinaharap.

“We are ready and we are very thankful to PSC for choosing Baguio City and Benguet to host the Batang Pinoy national championsh­ips,” pahayag ni Domogan.

Ayon sa alkalde na dedepensah­an nila ang titulo ng Baguio na siyang may hawak ng kampeonato sa nakaraang edisyon ng Batang Pinoy.

Ikinasiya naman ni Governor Pacalso ang nasabing oportunida­d na ipinagkalo­ob sa kanila ng PSC.

“It’s an honor for Benguet to be part of one of the biggest sporting event in the country,” ayon kay Pacalso.

Mahigit na anim na libong kabataang atleta ang inaasahang dadayo sa Summer Capital ng bansa upang makipagtun­ggali.

Ayon Kay Kiram, naniniwala ang PSC na magiging matagumpay ang darating na National Finals ng nasabing multi event sa dahil na rin sa pakikipagt­ulungan ng mga lokal na opisyal at iba pang stakeholde­rs.

“The collaborat­ion will help cater to the 6,500 participat­ing athletes in Batang Pinoy. The PSC is thankful that both our co-hosts have met the requiremen­ts of the games,” sambit ni Kiram.

Kabuuang 21 sports ang lalaruin sa grassroots sports developmen­t programa ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines