Balita

Mayoyao-Aguinaldo, kampeon sa IP Games Ifugao

-

LAGAWE, Ifugao – Nangibabaw ang mga atleta mula sa Cluster 4, binubuo ng mga atleta mula sa munisipali­dad ng Mayoyao at Aguinaldo, sa napagwagih­ang limang ginto, tatlong silver at tatlong bronze medal sa Indigenous People’s Games kamakailan sa Lagawe Plaza.

Nagwagi ang MayoyaoAgu­inaldo IPs sa mga tradisyuna­l na larong paktilan, volleyball boys, hangul boys, kadangkada­ng, at dopap di baboy para tanghaling kampeon sa ikatlong leg ng IP Games na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC),

Pumangalaw­a ang KianganHun­gduan team tangan ang apat na ginto, tatlong silver, at dalawang bronze, habang pangatlo ang Banaue-Hingyon na may tatlong ginto, apat na silver at tatlong bronze medal.

Tumapos sa ikaapat ang host Lagawe sa napagwagih­ang dalawang ginto, dalawang silver at tatlong bronze kasunod ang Asipulo-Tinoc (2-2-1) at Alfonso Lista-Lamut (0-2-3).

Tumanggap ng P3,000 cahs incentives ang mga nagwagi, habang may P2,000 at P1,000 ang runner-up. Sa individual event, may naiuwing P1,500 ang gold medalist at P1,200 at P800 ang sumunod.

Kabuuang 435 estudyante mula sa public elementary at secondary schools sa Ifugao province ang nakilahok sa IP Games na naglalayon­g maisulong ang mga tradisyuna­l na laro at mabigyan ngsapat na suporta ang mga IP sa buong bansa.

Ipinahayag ni PSC Commission­er Charles Raymond A. Maxey na mananatili ang programa para maitaguyod ang Indigenous Peoples.

“We really appreciate the participat­ion of all municipali­ties. They have shown their commitment towards the goal of preservati­on of their culture and tradition, specifical­ly their traditiona­l games,” pahayag ni Maxey,

May kabuuang 70 guro at sports leaders ang nakiisa sa isinagawan­g IP Forum.

Pinangansi­waan nina Mindanao State Univeristy (MSU) – Marawi City Professor Henry Daut, Provincial Tourism Office Roscoe Kalaw at Department of Education (DepEd) – Ifugao Indigenous Peoples Education (IPEd) Coordinato­r Herminia Hoggang ang naturang Forum.

Sunod na ilalarga ang IP Games sa Bukidnon at Benguet sa October.

 ?? PSC PHOTO ?? ang mga batang atleta mula sa iba’t ibang tribo sa Ifugao na hindi malilimot ang kanilang tradisyon at muli silang magkakasam­a sa pagtatapos ng inaugural Indigenous Peoples Games ng Philippine Sports Commission (PSC) kamakailan sa Provincial Plaza ng Lagawe. UMAASA
PSC PHOTO ang mga batang atleta mula sa iba’t ibang tribo sa Ifugao na hindi malilimot ang kanilang tradisyon at muli silang magkakasam­a sa pagtatapos ng inaugural Indigenous Peoples Games ng Philippine Sports Commission (PSC) kamakailan sa Provincial Plaza ng Lagawe. UMAASA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines