Balita

Duchess Meghan, balik-TV para sa royal documentar­y

-

MAGBABALIK sa small screen ang dating aktres na si Meghan, Duchess of Sussex para sa isang bagong serye ng dokumentar­yo tungkol kay Queen Elizabeth II, iniulat ng Cover Media.

Tinalikura­n ng dating Suits star ang pag-arte matapos ma-engaged kay Prince

Harry ng Britanya noong Nobyembre ng nakalipas na taon, ngunit mapapabila­ng siya sa darating na two-part show kasama ang kanyang asawa at ang mga royal in-laws, tungkol sa relasyon sa pagitan ng isang monarch at Commonweal­th.

Sinabi ng isang source sa People.com na napabilang si Meghan sa “[a] conversati­on, a stand-up chat” para sa Queen of the World, na nakatakdan­g iere sa U.K network na ITV sa Setyembre 18.

Ayon sa ITV News’ royal correspond­ent na si Chris Ship tatalakayi­n ng Americanbo­rn Duchess ang kanyang mga naging karanasan kasama ang Commonweal­th, at magbabahag­i ng detalye tungkol sa kanyang wedding dress at veil, na embroided ng bulaklak mula sa 53 miyembrong bansa.

Lalabas din sa nasabing dokumentar­yo ang kapatid ni Prince Harry na si Prince William at ang kanilang ama na si Prince Charles, habang sina Princess Anne at ang asawa ni Prince Edward na si Sophie, Countess of Wessex ay naiulat na humarap sa isang formal sit-down interview para sa palabas.

Bagamat hindi kinukumpir­ma ng producers ang magiging laman ng dokumentar­yo, ipinangako naman nito sa mga manonood na kasama rito ang mga “behind-the-scenes moments with the Sovereign and other members of the Royal Family”.

“As the family and world leaders discuss the importance of the Commonweal­th to the Queen, the series will document the way in which she passes her knowledge and experience to the younger generation­s,” ayon pa sa pahayag.

Inaasahang ipalalabas ang Queen of the World bago ang nakatakdan­g royal tour of the Commonweal­th nina Meghan at Prince Harry sa mga bansa ng Australia, Fiji, Tonga, at New Zealand sa mga susunod na linggo.

 ??  ?? Meghan
Meghan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines