Balita

Beermen, masasalang kontra NLEX

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Magnolia vs Northport 6:45 m.g. -- NLEX vs San Miguel Beer

MAIPAGPATU­LOY ang magandang panimula ngayong season ending conference ang tatangkain ng koponan ng NLEX sa pagsagupa nila sa San Miguel sa huling laro ngayong gabi sa PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum. Sa ngayon ay may tatlong panalo kontra isang talong marka ang Road Warriors habang unang pagsalang pa lamang ito para sa Beermen pagkaraan ng pagkatalo nila sa Barangay Ginebra noong Commission­ers Cup finals.

Magtutuos ang dalawang koponan ngayong 6:45 ng gabi pagkatapos ng unang sagupaan ganap na 4:30 ng hapon sa pagitan ng Magnolia at Northport.

Ang malaking improvemen­t sa kanilang depensa na sinasabi ni lead deputy coach Jojo Lastimosa ang inaasahang muling ipapakita ng Road Warriors para sa tangka nilang makamit ang pang-4 na panalo.

“We have improved so much on our defense in the last three games that we won,” ani Lastimosa.

Si Lastimosa pa rin ang uupo sa bench ng Road Warriors dahil humingi ng pahinga si head coach Yeng Guiao matapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa Asian Games kung saan sya ang tumayong coach ng Nationals.

Matinding tapatan din ang inaasahang magaganap sa pagitan ng kanilang mga reinforcem­ents na sina Arizona Reid para sa Beermen at Aaron Fuller ng Road Warriors.

Sa unang laro, ikalawang sunod na panalo naman ang target ng Magnolia sa pagharap nito sa Northport na magkukumah­og namang makaahon sa kinasadlak­ang dalawang dikit na talo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines