Balita

PVL sweep sa UST at UP?

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center)

2 p.m. – UST vs FEU (women’s) 4 p.m. – UP vs Adamson (women’s)

PORMAL na makausad sa kampeonato sa pamamagita­n ng tangkang sweep ng kani-kanilang semifinals series ang tatangkain kapwa ng second seed University of Santo Tomas at ng 4th seed University of the Philippine­s sa muli nilang pagsabak ngayong hapon sa Premier Volleyball League 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Parehas nakauna ang Tigresses at Lady Maroons sa kani-kanilang best-of-3 series noong Miyerkules nang gapiin muli ng una ang third seed Far Eastern University Lady Tamaraws sa loob ng apat na sets,

16-25, 26-24, 25-18,25- 23 habang ginulat naman ng Lady Maroons ang topseed Adamson University Lady Falcons, 24-26, 25-19, 25-23, 25-20.

Pinangunah­an ni rookie sensation Eya Laure sa itinala nitong shone,19 puntos mula sa 15 attacks at 4 blocks ang UST katulong si sophomore Fil-Italian winger Milena Alessandri­ni na muntik ng mag triple double sa kanyang 16 puntos, 13 digs, at 8 excellent receptions.

Inaasahan namang mangunguna sa pagbawi ng Lady Tamaraws sina Jerrili Malabanan, Celine Domingo at Lycha Ebon na nagsipagta­pos na kanilang topscorers noong Game 1 sa itinala nilang 10 at tig-9 na puntos ayon sa pagkakasun­od.

Sa panig naman ng UP, muli nilang sasandalan ang pamumuno ng graduating nilang player na si Marian Buitre na nagtala ng career best 25 puntos noong Miyerkules upang kumpletuhi­n ang upset sa Lady Falcons.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines