Balita

Pinoys sa UK, pinasaya sa ‘Barrio Fiesta‛

-

NAPUNO ng sorpresa ang ika-34 “Barrio Fiesta sa London”, na tinampukan ng mga pagtatangh­al nina Iñigo Pascual, KZ Tandingan, Yeng Constantin­o, ng tambalang MayWard

nina Maymay Entrata at Edward Barber, at ng cast ng FPJ’s Ang Probinsiya­no, sa pangunguna ni Coco Martin.

Mga ngiting abot-tenga, masasayang kuwentuhan, at pagkikitan­g puno ng pananabik ang ilan lang sa mga nasaksihan sa pagbabalik ng “Barrio Fiesta sa London 2018”, ang pinakamala­king Filipino fiesta sa United Kingdom, nitong Hulyo 21-22 sa Hampton Court Palace Hurst Road sa Walton-on-Thames, Surrey.

Ang “Barrio Fiesta sa London” ay kilala bilang pagdiriwan­g ng pagsasamas­ama ng mga Pinoy sa United Kingdom, na pumukaw din sa interes ng mga nonFilipin­o na nais na higit na kilalanin ang kulturang Pilipino.

“It warms our hearts to see the crowd’s excitement as we open the gates once again for the Barrio Fiesta sa London 2018. This inspires us to continue bringing together this event where people of different nationalit­ies bask in the rich Filipino culture,” wika ni Hermano Mayor at Philippine Centre Vice Chairman Joseph Pariñas.

Saad naman ni The Filipino Channel (TFC) Europe Country Manager Luis Bariuan: “TFC is grateful to be working with Philippine Centre for years now in ensuring a meaningful and exciting Barrio Fiesta sa London, where Filipino communitie­s gather and keep the Filipino culture alive by sharing it to the world.”

Para sa bonggang “Barrio Fiesta sa London 2018”, inihain ang iba’t ibang pagkaing Pilipino tulad ng dinuguan, laing at sari-saring kakanin. Nagpakitan­g-gilas din ng ilang galaw sa pambansang sport ng mga Pilipino na Arnis, habang ipinakilal­a ng grupong Kaamulan Bukidnon ang tradisyuna­l na pagdiriwan­g ng Kaamulan Festival.

Nagmistula­ng concert din ang okasyon sa pagtatangh­al ng mga Kapamilya talents para sa mga Pinoy sa UK.

Pinakilig ni Iñigo ang marami nang inawit niya ang hit single niyang Dahil

Sa ‘Yo, gayundin ang bago niyang kanta na That Hero.

Malakas na hiyawan naman ang sumalubong kay KZ nang lumabas siya sa stage habang kinakanta ang Rolling

in the Deep ni Adele, na sinundan niya ng bersiyon niya ng Royals ni Lorde, at ng original hit niyang Mahal Ko o Mahal Ako.

All-time favourites namang Hawak

Kamay at Ikaw ang inawit ni Yeng, samantalan­g kinanta ng MayWard ang

Mahal Kita Kasi ni Toni Gonzaga at ang original single nilang Baliw.

Nakadaupan­g-palad din ng mga Pinoy sa UK si Coco at ang iba pang cast ng Ang Probinsiya­no, habang nagtanghal din sina Lito Lapid, Yassi Pressman, John Prats, PJ Endrinal, at Mark Lapid.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines