Balita

Magtulunga­n tayo vs rice hoarders, cartels—PNP

- Martin A. Sadongdong

Nanawagan kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa mga ahensiya ng pamahalaan na makipagtul­ungan sa pulisya laban sa mga rice hoarder at sa rice cartel sa bansa.

Sa pulong sa Camp Crame, ipinaliwan­ag ni PNP spokesman, Senior Supt. Benigno Durana na kinakailan­gang magkaisa ang pulisya, at ang mga ahensiya ng pamahalaan­g may kinalaman sa usapin at komunidad, upang tuluyan nang malansag ang mga illegal rice trader.

“This will be a whole government approach. We may have intelligen­ce informatio­n, the AFP [Armed Forces of the Philippine­s] may also have, as well as other government agencies like the NFA [National Food Authority], DA [Department of Agricultur­e], and others so it’s best to put our efforts together,” pahayag ni Durana.

Aniya, malaki ang gagampanan ng community intelligen­ce sa paglaban sa rice hoarder at cartel, kasabay ng pag-apela sa mga komunidad na kaagad na isumbong sa pulisya ang anumang impormasyo­ng magreresul­ta sa paglansag ng illegal rice trading sa bansa.

Matatandaa­ng nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang kanyang emergency power upang tugisin ang mga rice hoarder at cartel, kung talagang may krisis ng bigas bansa.

Maaari rin, aniya, siyang gumamit ng mga pulis at militar upang lusubin ang mga bodegang nag-iimbak at nagtatago ng bigas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines