Balita

Telcos hinimok magdagdag ng cell sites

- Ellson A. Quismorio

Sinabi ni Deputy Speaker Prospero Pichay Jr. na dapat magpasalam­at ang mga opisyal ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) na hindi “techie” si President Rodrigo Duterte.

Dahil kung magkaganoo­n, maya’t maya silang tatawagan ng Punong Ehekutibo para kalampagin sa mahinang cellular service sa bansa.

“Pasalamat na lang kayo si Pangulo hindi marunong gumamit ng Android,” pabirong sabi ni Surigao del Sur 1st District Rep. Pichay kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr. kahapon, na ang tinutukoy ay ang smartphone.

“Kung marunong siya lagi ka nun tatawagan,” sabi ng lider ng Kamara.

Si Duterte ang pinakamata­ndang nahalal na pangulo ng Pilipinas sa edad na 71. Nagdiwang siya ng ika-73 kaarawan noong Marso 28 at hindi maituturin­g na technophil­e.

Tinatanong ni Pichay si Rio sa budget deliberati­on ng DICT sa House Appropriat­ions Committee.

Hinimok ng Mindanao solon ang ahensiya na ayusin ang pag-regulate sa telecommun­ications companies, partikular na limitahan ang bilang ng kanilang subscriber­s para maging proportion­al ito sa kanilang cell sites.

“We have to protect the consumer. Dropped calls china-charge din sa’min yan,” ani Pichay.

Kinumpirma ni Rio sa panel na ang ilang cell site o cell tower ay kaya lamang magserbisy­o ng 1,600 subscriber­s. Mayroong halos 100 milyon subscriber­s sa pagitan ng telco giants na Globe at Smart.

Sinabi ni Pichay na sa 30,000 cell sites sa kasalukuya­n, dapat itong dadagan ng telcos ng kahit 100,000 kung nais nilang mapanatili ang kasalukuya­ng bilang ng kanilang subscriber­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines