Balita

Latam tinalakay ang krisis sa Venezuela

-

QUITO (AFP) – Sinimulan kahapon ng ministers mula sa isandosena­ng bansa sa Latin America ang dalawang araw na pagpupulon­g sa Ecuador upang talakayin kung paano mawakasan ang malaking migrant crisis ng Venezuela na yumanig sa rehiyon.

Nanawagan ang Colombia, Ecuador at Peru ng karagdagan­g pondo mula sa mayayamang bansa para tulungan silang matugunan ang malaking bulto ng mga tumatawid na Venezuela na tumatakas sa krisis sa ekonomiya.

Kasama sa pagpupulon­g sa Quito ang mga minister mula sa Argentina, Brazil, Colombia, Costa Rica, Chile, Mexico, Panama, Paraguay, Peru, Dominican Republic, at Uruguay. Imbitado rin ang Bolovia na kaalyado ng Venezuela.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines