Balita

12 natusta sa helicopter crash

-

MAZAR-I-SHARIF (AFP) – Patay ang 12 katao, kabilang ang dalawang Ukrainian, nang bumulusok ang isang helicopter sa hilaga ng Afghanista­n nitong Linggo.

Sakay ng aircraft, pag-aari ng isang Moldovan company, ang 14 katao kabilang ang 11 miyembro ng Afghan security forces nang ito ay bumulusok sa hilagang probinsiya ng Balkh. Ang dalawang namatay na Ukrainian ay crew members. Nakaligtas naman ang ikatlong Ukrainian crew member sa crash.

May kargang mga armas ang helicopter at sumabog sa pagbangga, at sinunog ang mga katawan ‘’beyond recognitio­n’’, sinabi ng Afghan sources. Bumulusok ito dahil sa ‘’technical problems’’ ilang sandali matapos mag-take off sa Dehdadi district.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines