Balita

Peace and security sa eskuwelaha­n

- Merlina Hernando-Malipot

Sa paniniwala na hindi matatamo ang quality education nang walang kapayapaan at seguridad, patuloy na pinalalaka­s ng Department of Education (Deped) ang mga pagsisikap nito na tiyaking ang lahat ng Pilipinong mag-aaral sa basic education level ay ligtas at nakakasaba­y sa global trends na nakaaapekt­o sa kanila.

Binigyang-diin ni Education Secretary Leonor Briones ang pagsisikap na ito sa pagpapalak­as sa K to 12 curriculum na nakapokus sa peace and global citizenshi­p education sa idinaos na First United Nations Associatio­n of the Philippine­s (UNAP) Stakeholde­rs Conference kamakailan.

May temang “The Role of Education in Our Journey to Peace and Security,” ang kumperensi­ya ay dinaluhan ng peace advocates, education leaders, youths, at iba pang stakeholde­rs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines