Balita

DOTR ginisa

- Bert De Guzman

Humarap sa Kamara ang mga opisyal ng Department of Transporti­on (DOTR) para makiusap na ibigay sa kanila ang P76.1 bilyong budget para sa 2019, pero kinagalita­n sila dahil sa hindi matapustap­os na mga proyekto.

Binanggit ng House Committee on Appropriat­ions kay DOTR Secretary Arthur Tugade na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang mga proyekto, gaya ng internatio­nal airport at railway sa Bicol, at ang Galas port sa Dipolog.

Sa pamumuno ni Committee Vice Chairman Federico Sandoval (Lone District, Malabon City), ginisa ang mga opisyal ng DOTR sa pagkabalam ng mga proyekto gayong may pondo naman para sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines