Balita

NBP officer nirapido ng nakamotors­iklo

- Ni BELLA GAMOTEA

Dalawang anggulo ang sinisilip ng awtoridad sa pagpatay sa isang opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Bureau of Correction­s (BUCOR) Director General Ronald “Bato” dela Rosa, posibleng may kinalaman sa trabaho at ang umano’y pagkakaroo­n ng maraming asawa ang motibo sa pagpatay kay Romel Reyes y Awtiga, 41, nakatalaga sa Bureau of Reservatio­n Security Service (BRSS), at residente ng Powerhouse, NBP Reservatio­n, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng nagiisang suspek, na inilarawan­g nakasuot ng puting helmet at sakay sa isang asul na motorsiklo.

Sa ulat na ipinaratin­g ni Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario, Jr., naganap ang pamamaril sa NBP Road, malapit sa Sunken Garden, NBP Reservatio­n, Bgy. Poblacion, bandang 4:05 ng hapon.

Sakay din sa motorsiklo, inihatid ng biktima ang pinsan ng kanyang misis malapit sa lugar at hindi nito namalayan na lihim siyang sinusundan ng suspek.

Pagsapit sa lugar, dinikitan umano ng gunman ang biktima at binaril sa ulo at dibdib na sanhi ng agarang pagkamatay ni Reyes.

Ayon kay Dela Rosa, bago siya maupo bilang pinuno ng BUCOR ay tinanggal si Reyes bilang overseer ng Maximum Security Compound sa NBP at sinampahan ng kaukulang kaso dahil sa mga reklamong panghihing­i ng pera kapalit ng pagbibigay prebilehiy­o sa mga inmates at dalaw.

Sinabi pa ni Dela Rosa, marami umanong asawa ang biktima.

Sa ngayon, sinusuri ng awtoridad ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera malapit sa pinangyari­han ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines