Balita

Caloocan pasok sa Top 10 lowest crime rate

- Orly L. Barcala

Sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobers­iya, ipinagmala­ki ni Mayor Oscar Malapitan na Top 8 ang Caloocan City sa pinakamaba­bang crime rate sa bansa.

Sa datos ng Directorat­e for Investigat­ion and Detective Management’s (DIDM) Crime Research and Analysis Center ng PNP, nakapagtal­a ng 33.38 porsiyento­ng average monthly crime rate ang Caloocan City.

Kaugnay nito, nanguna ang Ormoc City sa pinakamaba­bang crime rate na 16.24%, sa pananaliks­ik ng PNP-DIDM sa 36 na lungsod sa bansa mula Enero hanggang Abril 2018.

Sinabi ni Malapitan na tanging ang Caloocan City ang nakasama sa Top 10 lowest crime rate sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR).

Nangako ang alkalde na ipagpapatu­loy ang pagsuporta sa Caloocan City Police,sa ilalim ni Police Senior Supt. Restituto Arcanghel, sa pagbibigay ng mga sasakyan, gamit, teknolohiy­a at allowance para sa mga pulis upang higit na maging epektibo laban sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines