Balita

Broker at misis, binistay sa bahay

- Bella Gamotea

Naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang customs broker at misis nito sa loob ng kanilang bahay sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Makati Medical Center sina Garry Gabriel y Garcia, 38, customs broker; at Imee Gabriel y Eusebio, 39, kapwa nakatira sa No. 1874 P. Domingo Street, Barangay Carmona, Makati City.

Si Garry ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang sintido habang si Imee ay may tama ng bala sa kaliwang dibdib at ulo.

Sa inisyal na ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD) mula sa Makati City Police, naganap ang pamamaril sa loob ng bahay ng mag-asawa, dakong 2:00 ng madaling araw.

Sa imbestigas­yon, papaalis na ang mga biktima patungong Pasay City nang makarinig ang mga residente ng mga putok ng baril mula sa loob ng bahay ng mag-asawang Gabriel.

Dito natagpuang duguan ang magasawa at isinugod sa naturang ospital subalit huli na ang lahat.

Sa ocular inspection ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng SPD, narekober ang isang Glock 19, caliber .9mm, at mga basyo ng bala.

Nagsasagaw­a ng imbestigas­yon at follow-up operation sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines