Balita

R300K shabu nakuha sa tulak

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang drug suspect nang mabaril ng awtoridad matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Egay, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nagkasa ng buybust operation ang Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU) ng Provincial Regional Office (PRO)4A laban sa suspek sa Sitio Kalikuan, Bgy. Sta. Ana, dakong 7:00 ng gabi.

Isang pulis ang nagsilbing poseurbuye­r, ngunit nang magkaabuta­n ng ilegal na droga at marked money ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaks­iyon.

Bumunot ng baril ang suspek at pinaputuka­n umano ang pulis, na nakaiwas at gumanti at tuluyang bumulagta ang suspek.

Narekober kay Egay ang isang .9mm na pistol; isang pakete ng umano’y shabu, na may timbang na 25 gramo at nagkakahal­aga ng P365,000; gayundin ang P1,000 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines