Balita

Bangkay lumutang sa Port Area

- Erma R. Edera

Isang bloated na bangkay ng hindi pa nakikilala­ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Port Area, Tondo, Maynila nitong Linggo, ayon sa awtoridad.

Ayon kay Port Police Aldwin Concepcion, nadiskubre ang bangkay sa Berthing 3 ng crew ng Moreta Cargo-1 ship sa Pier 16, Port Area sa Tondo, Maynila, bandang 5:10 ng hapon.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40-50, 5’8” hanggang 5’9” ang taas, kayumanggi, katamtaman ang pangangata­wan, nakasuot ng T-shirt at berdeng short pants.

Samantala, sinabi ni Manila Police District (MPD) Homicide chief Senior Insp .Rommel Anicete na ang bangkay ay inanod ng alon malapit sa Port Area.

Idinagdag ni Anicete na walang nakitang sugat sa bangkay ng lalaki.

Ayon kay SPO3 Jonathan Bautista ng MPD Homicide Section, nagsagawa na sila ng imbestigas­yon sa lugar ngunit walang nakakakila­la sa biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines