Balita

Kelot binoga habang nagbibisik­leta

- Minka Klaudia S. Tiangco at Orly L. Barcala

Isang lalaki ang ibinulagta ng hindi pa nakikilala­ng armado sa Navotas City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Luigi Baron, 21, residente ng No. 1935 Monteloyul­a, Barangay San Roque, Navotas City.

Sa inisyal na imbestigas­yon, sinundan ng suspek ang biktima habang sakay ang huli sa bisikleta sa Leongson Street, Extension, Bgy. San Roque, Navotas City.

Pinaputuka­n ng suspek ang biktima at tumakas patungo sa hindi batid na direksiyon.

Isinugod sa Navotas City Hospital si Baron, ngunit dead on arrival.

Isang pakete ng hinihinala­ng marijuana at isang basyo ng hindi batid na kalibre ng baril ang narekober sa pinangyari­han.

Nagsasagaw­a ng imbestigas­yon at pursuit operations laban sa suspek, ayon sa awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines