Balita

Irigasyon sa Aklan, tigil muna

- Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Simula sa Oktubre ay pansamanta­lang ipatitigil ng National Irrigation Administra­tion (NIA) ang irigasyon sa Aklan para sa anim na buwang rehabilita­syon nito.

Ayon kay Manuel Olanday, regional technical director ng Department of Agricultur­e (DA), sapat naman ang supply ng bigas sa buong Western Visayas, kasama na ang Aklan.

Aniya, kaya lang mataas ang presyo ng bigas sa merkado ay dahil karamihan sa mga ibinebenta sa ngayon ay galing sa mga pribadong magsasaka.

Sinabi ni Olanday na isasailali­m sa rehabilita­syon ang mga irigasyon para mapalakas ang produksiyo­n ng mga magsasaka sa Aklan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines