Balita

Kagawad dedo, 1 sugatan sa pamamaril

- Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Kaagad na nasawi ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang kasamahan nito at isa pa ang nakaligtas sa pamamaril ng hindi nakilalang suspek habang patungo sa isang videoke bar.

Kinilala ni Supt. Joe Neil E. Rojo ang biktimang si Romeo Bondoc, 50, kagawad ng Barangay Dimasalang Sur, na kaagad na namatay sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ang kasamahan niyang si Sonny Boy Derota, 37, tricycle driver, na nasapol ng ligaw na bala, habang ligtas naman si Domingo Ponce, 48, barangay tanod.

Sa pagsisiyas­at ng pulisya, dakong 7:45 ng gabi at minamaneho ni Bondoc ang isang multicab vehicle sa Marcos-Cabubulana­n road sa Bgy. Gulod nang pagbabaril­in habang patungo sa videoke bar. Hindi umano nakontrol ni Bondoc ang sasakyan kaya bumangga ito sa isang steel gate at nadamay pa ang isang tricycle na nakaparada sa compound.

Naglakad lang umano ang suspek papalayo sa lugar, saka sumakay sa isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines