Balita

Trike binangga: 2 patay, 5 sugatan

- Leandro Alborote

TARLAC CITY – Dalawa ang nasawi at limang iba pa ang grabeng nasugatan nang suyurin ng isang wing van truck ang likuran ng isang tricycle sa highway sa Barangay San Rafael sa Tarlac City, kahapon ng umaga.

Sa report ni PO2 Ricardo Millante, kinilala ang mga nasawi na sina Angel Gamboa, 49, may asawa, ng Santo Domingo, Nueva Ecija; at Jillary Shane Narciso, dalawang taong gulang, ng Sitio Landing, Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Grabe namang nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Christian Jesus Mendoza, 21, driver ng tricycle, residente sa lugar; Angeline Bayonito, 23, ng Meycauayan, Bulacan; Yhumi Angela Bayonito, 5; Grace Talisay, 29; at Michelle Capili, 28, ng Sitio Landing, Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Tumakas naman ang driver ng truck, na hindi naplakahan. Galing ang tricycle sa silangang bahagi ng Bgy. San Rafael nang aksidenten­g salupukin sa likod ng truck.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines