Balita

Engineer pinatay ng ex-BF

- Rizaldy Comanda

CALANASAN, Apayao – Patay ang isang babaeng inhinyero nang barilin ng dati nitong karelasyon sa Omengan Constructi­on Developmen­t Corporatio­n (OCDC) campsite, Poblacion, Calanasan, Apayao, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Calanasan Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Joylin Liyaban, 27, site engineer, ng Tabuk City, Kalinga, habang sugatan naman si Cleto Macklinic, 27, dump truck driver, ng Paracelis, Mt. Province.

Nagpakamat­ay naman matapos isagawa ang krimen si Reden Garcia, 33, dump truck driver, ng Tabuk, Kalinga.

Sa imbestigas­yon, nagpapahin­ga sa kanyang kuwarto si Libayan nang pasukin ng suspek na armado ng cal. 45 pistol, dakong 6:40 ng gabi.

Binaril ni Garcia si Liyaban at habang tumatakas ay nakita niya si Macklinic at binaril din.

Matapos ang insidente, nagbaril din sa sarili ang suspek.

Tinangkang isugod sa ospital si Libayan, ngunit dead on arrival.

Naka-confine naman si Macklinic dahil sa tama ng bala sa kamay.

Ayon sa awtoridad, nagkaroon ng relasyon ang biktima at ang suspek nitong nakalipas na Hunyo at matapos ang dalawang buwan ay nakipaghiw­alay umano si Liyaban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines