4 tiklo sa anti-drug ops
CABANATUAN CITY - Apat na drug suspect ang nalambat ng pulisya noong nakaraang linggo sa anti-illegal drugs operation sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija nitong weekend. Naaresto sina Danilo Mendoza, 27; at Van Joshua Legaspi, 21, makaraang maaktuhan umanong humihitit ng inirolyong marijuana sa entrance ng isang bar sa Barangay Sto. Niño, Gapan City, Nueva Ecija, dakong 12:50 ng umaga, ayon kay Supt. Peter Madria, hepe ng Cabanatuan City Police.
Sa bayan ng Guimba, dinakma naman si John Mark Camile, 28, na umano’y naaktuhan sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent.
Nakumpiskahan pa umano ng ilang pakete ng shabu sa buybust operation ang isang plastic bag na naglalaman umano ng hinihinalang shabu na aabot sa P15,000 ang halaga, at P500 marked money, dakong 1:50 ng hapon.
Arestado rin si Joey Alamon, 30, matapos makipagtransaksiyon sa poseur buyer, ayon kay Chief Insp. Domingo Resma Jr., ng Aliaga Police.