Balita

Lola tinambanga­n

- Fer Taboy

Pinagbabar­il at napatay ng hindi pa nakikilala­ng lalaki ang isang 68-anyos na babae sa Paquibato District, Davao City, nitong Linggo.

Dead on the spot si Andrea Baguio, ng Paquibato District, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Base sa imbestigas­yon, naglalakad pauwi ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo na kinalulula­nan ng dalawang lalaki at binaril ang biktima.

Ayon sa awtoridad, kalalabas lamang ng biktima sa isang simbahan nang maganap ang pananamban­g.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslan­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines