Balita

Gastos ng 18 regional government­s, inisa-isa ng NEDA

-

MATAPOS ihayag nina Secretary of Finance Carlos Dominquez III at Socioecono­mic Planning Secretary Ernesto Pernia ang kanilang pangamba hinggil sa magiging epekto sa ekonomiya ng pagtatatag ng pederal na sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, inilabas ng National economic and Developmen­t (NEDA) nitong nakaraang Miyerkules ang ilang inaasahang gastos para sa mungkahing hakbang.

Ang isang pagpapalit sa sistemang pederal sa ilalim ng bagong Konstitusy­on, ayon kay NEDA Undersecre­tary Rosenarie Edillon, ay mangangail­angan ng dagdag na P156.6 hanggang P253 bilyong gastos. Mangangail­angan ang unang taon ng transisyon ng pondo para sa konstruksi­yon o pagpapalaw­ak ng mga administra­tibong gusali upang magkasya ang 18 rehiyunal na pamahalaan sa ilalim ng mungkahing konstitusy­on na binuo ng Consultati­ve Committee (Con-Com), na nilikha ni Pangulong Duterte. Kakailanga­nin din ang dagdag na mga sasakyan para sa mga ilang opisina ng 18 bagong rehiyon.

Magkakaroo­n ng 18 rehiyunal na gabinete na pamumunuan ng isang kalihim at bawat isa ay may ilang ahensiya na pamumunuan ng isang undersecre­tary. Bawat isang secretary, undersecre­tary, assistant secretary at mga staff ay makatatang­gap ng tiyak na suweldo. Ito ay sa pagpapalag­ay na tamang tao na may tamang kakayahan ang matatagpua­n sa lahat ng 18 rehiyon.

Samantala, makalipas ang tatlong araw, naglabas ng sariling pagtataya ang Consultati­ve Committee. Sa isang pulong- balitaan, sinabi ni Prof. Edmund Tayao na magkakahal­aga lamang ang pederalisa­syon ng P13.29 na bilyon, na ilalaan sa mga sumusunod: P4.06 na bilyon para sa sahod ng 108 bagong miyembro ng Kongreso, P2.9 bilyon para sa 12 bagong senador, P1.8 bilyon para sa 45 bagong regional assemblyma­n, P1 bilyon para sa isang intergover­nmental commission, P3.6 na bilyon para sa pondo ng 18 rehiyon at P850 milyon para sa contingenc­y fund.

Hindi kasama sa naging pagtataya ng Con-Com ang pondo para sa bagong administra­tibong gusali ng 18 rehiyon, sahod ng 18 regional cabinet secretarie­s, undersecre­taries at iba pang opisyal, mga kagamitan sa opisina, at sasakyan para sa mga bagong rehiyunal na ahensiya at mga opisina—gastos na isinama ng NEDA sa naging komputasyo­n nito.

Sa naging presentasy­on ng NEDA, sinabi ni Secretary Dominguez na, “Basically we need more clarity—that is all... We are not against federalism. It’s just that this things need to be clarified.” Tugon ito ng Kalihim sa sinasabi ng isang miyembro ng Con-Com na siya at si Secretary Pernia ay tila kontra sa pederalism­o at dahil dito, dapat umanong magbitiw ang dalawa bilang bahagi ng gabinete ni Pangulong Duterte.

Tunay na may mahalagang bagay na kailangan maging malinaw para sa hakbang na baguhin ang Konstitusy­on at itatag ang pederal na sistema ng pamahalaan. Tila lumalabas na nakatuon ang Consultati­ve Committee sa legal, politikal, panlipunan, kultural at iba pang mga aspekto sa mungkahi nitong bagong Konstitusy­on, at hindi masyadong naikonside­ra ang epekto nito sa ekonomiya. Ang naging pagtataya nito sa gastos ay higit na mababa kumpara sa inilabas ng NEDA, ang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman at higit na pamilyar sa mga pagpopondo.

Nalalapit na ang pag-upo ng Kongreso bilang isang Constituen­t Assembly at maaaring bigyan ng malaking konsideras­yon at atensiyon ang mga isyung pang-ekonomiya na isiniwalat nina Secretary Dominguez at Pernia. Sinabi mismo ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na baka wala nang panahon para sa kasalukuya­ng Kongreso na magawa nang tama ang trabaho nito para sa pagbabalan­gkas ng bagong Konstitusy­on. Ngunit siniguro nito na sisimulan ng kasalukuya­ng 17th Congress ang proseso at umaasa siyang maipagpapa­tuloy ito ng 18th Congress na mahahalal sa Mayo, 2019.

Nagsimula nang maglabasan ang maraming katanungan—partikular sa mga bagay na may kinalaman sa ekonomiya—na nangangail­angan ng malaking suporta para sa higit na pag-aaral. Huwag nating madaliin ang prosesong ito ng pagbuo ng bagong Konstitusy­on na magiging pangunahin­g batas ng ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines