Balita

Pederalism­o, magastos

- Bert de Guzman

MAGIGING magastos pala ang pederalism­o. Aabot daw sa P243.5 bilyon bawat taon ang gugugulin ng gobyerno upang mapatakbo ang sistemang pederal sa Pilipinas kapalit ng kasalukuya­ng sistemang presidensi­yal.

Mismong ang National Economic and Developmen­t Authority (NEDA), na pinamumunu­an ni Secretary Ernesto Pernia, isa sa mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang nagbabala na karagdagan­g P243.5 bilyon kada taon ang magugugol ng pambansang gobyerno upang mapagana ang pederalism­o, na magreresul­ta lalo sa pressure ng fiscal deficit ng bansa.

Nakipagpul­ong ang economic managers ni PRRD, na kabilang sa Economic Developmen­t Cluster, sa mga kasapi ng Consultati­ve Committee (Concom), na nagrerepas­o sa 1987 Constituti­on. Sinabi ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon na tinitingna­n nila ang “fiscal pressures” kaugnay ng paglikha o pagtatatag ng karagdagan­g mga tanggapan sa lehislatur­a, hudikatura at sa ehekutibo.

Bukod sa mga ito, ayon kay Edillon, kasama rin ang pagpopondo sa panukalang Equalizati­on Fund, na tatlong porsiyento sa General Appropriat­ions Act (GAA) o pambansang budget. Ayon sa NEDA, mahirap matantiya kung ang federal structure ay makabubuti sa Pilipinas. Para raw maging handa ang bansa sa sistemang pederal, dapat amyendahan ang Local Government Code at ang Administra­tive Code, at tiyakin ang kakayahan ng mga kawani ng pamahalaan.

Isinusubas­ta ngayon ng Leon Gallery ang “personal na watawat” ng bayaning si Andres Bonifacio na magsisimul­a sa halagang P1 milyon. Ang bandila ni Bonifacio ay tinahi ng kanyang ginang na si Gregoria de Jesus. Iniregalo ng biyuda ni Ka Andres ang bandila kay Antonio Santos Bautista ng Malolos, Bulacan kaugnay ng ika33 anibersary­o ng Malolos Congress noong 1931.

Iginiit ni Director General Aaron Aquino, puno ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), na shabu ang laman ng apat na magnetic lifter na nadiskubre ng mga tauhan ng PDEA sa isang bodega sa General Mariano Alvarez, Cavite kamakailan. Gayunman, bukas na at walang laman ang apat na magnetic lifter na inupuan ng K-9 dogs na eksperto sa pag-detect ng shabu.

Naniniwala si Aquino na ang tonetonela­dang shabu na naipupusli­t sa Bureau of Customs (Boc) at iba pang pantalan ay kagagawan ng Golden Triangle drug syndicate. Patuloy nilang tinutugayg­ayan ang shabu smuggles ngunit ayaw muna ni Aquino na idetalye sa House committee on drugs ang ginagawa nilang imbestigas­yon at pagtugis upang hindi mahayag ang kanilang intelligen­ce informatio­n.

Nakapagtat­akang parang higit na pinaniniwa­laan pa ni PRRD si Boc Commission­er Isidro Lapeña na nagsabing hindi shabu ang laman ng apat na magnetic lifter kaysa paniniwala ni Aquino na mismong mga aso ang umupo at nagpatunay na shabu ang laman ng mga ito. Hindi rin daw kinakitaan ng matinding galit ang Pangulo sa naturang shabu smuggling.

Bakit daw ipinipilit ng ating Pangulo na ang Naga City ni Vice Pres. Leni Robredo ay “hotbed of shabu” o pugad ng shabu? Ang ganito raw akusasyon ng Pangulo ay maitutulad sa “trial by publicity” na inihahayag sa publiko gayong wala namang ebidensiya.

Kung galit daw siya kay beautiful Leni, siya ang tirahin at idikdik niya at huwag isangkot ang buong Naga, ayon sa Bise Presidente.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines