Balita

Lumakas na ang bayan

- Ric Valmonte

“MANINDIGAN tayo laban sa mga diktador. Sa halip na tingalain natin ang mga lider na kamay na bakal ang ginagamit sa pamamahala, na ang kanilang kapangyari­han ay nagbubuhat sa pananakot, kilalanin natin ang mga tunay na bayani na ang kanilang lakas ay nagmumula sa awa at simpatiya,” wika ni Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang

talumpati bilang keynote speaker sa Ramon Magsaysay Awards ceremony nitong Biyernes.

Aniya, lumaban tayo para sa mga hindi kayang ipagtanggo­l ang kanilang mga sarili. Mukhang hindi na uubra ang pananakot na inumpisaha­ng gawin ni Pangulong Duterte nang siya ay manungkula­n. Nang ang kanyang pagkakaupo ay sundan ng mga sunudsunod na pagpatay sa mga taong umano ay sangkot sa droga, mabibilang mo ang tumindig at nagsalita laban sa kanyang pamamaraan ng paglalapat ng lunas sa problema ng ilegal na droga at kriminalid­ad.

Kahit sila ay inalipusta ng Pangulo, hindi natakot sina Sen. Antonio Trillanes, Sen. Leila De Lima, dating Chief Justice Sereno, ilang kasapi ng Simbahan at religious congregati­on, at mga opisyal ng

Commission on Human Rights (CHR). Dahil sa tapang na ipinakita nila, naging dahilan ito ng pagkakulon­g ni Sen. De Lima at pagkakatan­ggal sa puwesto ni Sereno.

Ipinagbuny­i ng taumbayan si Duterte dahil sa paniniwala nila na ang kamatayan ng kanilang kapwa ang magpapatah­imik sa ating bansa. Hindi rin natinag ang approval rating ng Pangulo. Hanggang sa ngayon, nanatili siyang “very good” sa mamamayan, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Ngayon, dumarami na ang nagkakaroo­n ng lakas ng loob para ipamukha sa Pangulo na mali ang inumpisaha­n niyang paraan ng pamamahala. Mali ang pumatay at papanaguti­n ang sinuman sa kanyang pagkakasal­a nang hindi nagdaraan sa proseso ng batas. Mali ang labagin mo ang

karapatan ng tao na sa kanyang pagsilang ay kaakibat na niya.

Kung noong una, sinisibak kaagad ng Pangulo ang mga hinirang niya at opisyal ng gobyerno na sumasalung­at sa kanyang mga opinyon, deklarasyo­n at polisiya, ngayon naman ay mga economic managers na niya nangunguna sa pagputol at pagpuna sa pederalism­o, na kanyang ipinagmama­laking lulunas sa malalaking problema ng bansa.

Nang sabihin niyang hindi dapat sabihin ni Philippine Drug Enforcemen­t Agency Director Aaron Aquino na ang apat na cylindrica­l container na natunton nila sa GMA, Cavite na walang laman ay pinalagyan ng shabu, iginiit pa rin nito na shabu ang naging laman nito.

Nang ideklara ng Pangulo na ang papatay sa kanya ay mga ahente ng Central Intelligen­ce Agency (CIA), sinupalpal siya

ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na hindi CIA, kundi ang New People’s Army (NPA).

Kaya, sa loob at labas ng pamahalaan, marami na rin ang kumokontra kay Pangulong Digong. Humina na siya sa mamamayan. Ang survey na nagpapakit­ang “very good” pa rin ang kanyang rating ay ampaw na. Hindi na tumatalab ang social media na nagpapagan­da sa imahe ng Pangulo. Kasi, bumagsak na ang kanyang kredibilid­ad dahil sa kanyang mga sinasabi, ginagawa at sa nangyayari.

Higit sa lahat, tumaas ang presyo ng lahat ng mga pangunahin­g pangangail­anganngmam­amayan.Mahirap nang mapagliluh­an ang sambayanan­g halos wala nang mailaman sa kanilang sikmura. Ito ang dahilan kung bakit lumakas na sila laban sa panlililin­lang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines