Balita

Jennylyn, may balak na lumipat sa dos

- Nitz Miralles

NABAHALA ang Kapuso fans nang dumalo si Jennylyn Mercado sa premiere night ng The Hows Of Us movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil inisip nilang aalis na sa GMA-7 ang aktres at lilipat sa ABS-CBN.

Bago ito, nakita rin si Jennylyn na nanood ng Miss Granny, na pinagbibid­ahan ni Sarah Geronimo, kasama sina James Reid at Xian Lim, na kahit talents ng Viva Films, ay sa ABSCBN napapanood (maliban kay Xian).

Wala naman palang dapat ikabahala ang Kapuso fans ni Jennylyn dahil matagal pa bago mag-expire ang kontrata nito sa GMA Network at ibig sabihin, hindi pa siya makakaalis sakaling may balak man siyang umalis at lumipat sa ABS-CBN.

Pero nabanggit na nito minsan na mananatili siyang Kapuso at kung gusto niyang lumipat, sana noon pa. Ibig bang sabihin, may offer na kay Jennylyn, hindi lang niya tinanggap?

Nabalitaan din namin na inihahanda na ng GMA-7 ang susunod na soap ni Jennylyn at nagka-casting na nga. May nabanggit ng mga pangalan na makakasama niya sa teleserye pero bawal pa itong isulat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines