Balita

Ikalawang taon ng ‘Class project’ docu contest, inilunsad

-

MULING bibigyan ng ABS-CBN at Knowledge Channel ng pagkakatao­n ang mga estudyante sa kolehiyo na maipalabas ang kanilang gawang dokumentar­yo sa telebisyon sa Class Project Intercolle­giate Mini-Documentar­y

Competitio­n, na inilunsad nitong Agosto at tumatangga­p na ngayon ng mga kalahok.

Layunin ng Class Project, na nasa ikalawang taon na, ang linangin ang husay at pagiging malikhain ng mga estudyante sa paggawa ng mga kalidad na dokyumenta­ryo at maihatid ito sa mas maraming manonood. Mapapanood ang mga panalong documentar­y sa programang Class

Project sa Knowledge Channel, at makatatang­gap din ang mga mapipiling winner ng tropeo at cash prizes.

Maaaring sumali sa contest ang mga estudyante sa mga kolehiyo o unibersida­d na kasapi ng Philippine Associatio­n for Communicat­ion Educators (PACE). Kailangang ang video nila ay naglalahad ng mga magagandan­g asal na itinataguy­od ng Knowledge Channel tulad ng katarungan sa lipunan, serbisyo, integridad, at nasyonalis­mo at may haba ng 12 to 15 minuto. Huling araw ng pagsusumit­e ng entry sa Nobyembre 30, 2018.

Noong 2017, nanalo ang mga dokyu na Lupang Pinangako: Mga Rizalista ng Ronggot ng De La Salle University, Basilica ng Lyceum

of the Philippine­s University Laguna, at Manila Sound: Sunshine of the 70’s ng mga mag-aaral sa Southville Internatio­nal School and Colleges. Pararangal­an ang mga mananalo sa darating na Pinoy

Media Congress Year 13 (PMC) ng ABS-CBN sa Pebrero 2019. Ang

PMC ay proyekto ng PACE at ABS-CBN na pinagsasam­a-sama ang mga guro at mag-aaral sa komunikasy­on para matuto at makipag-diskurso sa mga batikang personalid­ad sa industriya tungkol sa iba’t ibang isyu sa media. Noong nakaraang taon, higit isang libo ang dumalo sa College of the Holy Spirit Manila at Cebu Technologi­cal University para matuto sa mga

tulad nina screenwrit­er na si Ricky Lee, ABS-CBN head of Integrated News & Current Affairs na si Ging Reyes, journalist na si Jeff Canoy, at ang actress-screenwrit­er na si Bela Padilla.

Samantala, magdadaos din ang ABS-CBN ng Docu Caravan kasama ang Knowledge Channel at ABS-CBN Integrated News & Current Affairs sa iba’t ibang eskuwelaha­n upang turuan at bigyan ng inspirasyo­n ang mga mag-aaral kung paano gumawa ng mga makabuluha­ng dokumentar­yo.

Para sa iba pang impormasyo­n tungkol sa Class Project: Intercolle­giate Mini-Documentar­y Competitio­n, bumisita lamang

sa www.pinoymedia­congress. com. Maaari ring mag-email sa classproje­ct@knowledgec­hannel. org.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines