Balita

Sen. Grace, sa bahay ampunan nag-birthday

- Ni MERCY LEJARDE

IPINAGDIWA­NG nitong Lunes ni Senator Grace Poe ang kanyang 50th birthday kasama ang mga orphan mula sa Viglanie Foundation, Onesimo Bulilit Foundation, Alay Pagasa Christian Foundation, Friendship Home Father Luis Amigo Inc., Warrior Foundation, at Hiyas Ng Pilipinas, sa isang kiddie party sa Star City.

Post ng senador sa kanyang social media account: “Nakikita ko ang aking sarili sa inyong lahat. Ang dasal ko ngayon sa birthday ko, sana kayong lahat ay magtagumpa­y sa inyong buhay. Kunganuman ang pangarap ninyo ay marating ninyo.” “Kung ano’ng puwede kong magawa sa aking trabaho, tututukan ko para sa mga batang katulad ninyo,” sinabi ni Sen. Grace sa kanyang mga bisita na pawang nakatuloy sa mga nabanggit na bahay ampunan.

Isinilang noong 1968 si Sen. Grace sa Jaro, Iloilo City pero walang nakalagay na specific date maliban sa siya ay bininyagan noong Setyembre 3. At ang kanyang buong pangalan ay Mary Grace Natividad S. Poe Llamansare­s.

Alam naman nating lahat na siya ay adopted daughter ng King and Queen Of Philippine­s Movies na sina Fernando Poe, Jr. (SLN) at Susan Roces. Anyway, happiest birthday, Senator Grace Poe!

 ??  ?? Sen. Poe
Sen. Poe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines