Balita

Bono nawalan ng boses, U2 concert kinansela

-

NAPILITANG itigil ng Irish rock group na U2 ang kanilang concert sa Berlin sa harap ng libu-libong fans, makaraang tumugtog ng ilang awitin, dahil nawalan ng boses ang front man ng banda, si Bono.

“We’re so sorry for tonight’s cancellati­on,” pahayag ng grupo sa website nito noong Sabado ng gabi.

“Bono was in great form and great voice prior to the show and we were all looking forward to the second night in Berlin, but after a few songs, he suffered a complete loss of voice.

“We don’t know what has happened and we’re taking medical advice.”

Ito ang pangalawa at huling concert ng grupo sa kabisera ng Germany, bilang bahagi ng kanilang Experience + Innocence tour.

Sa mga naunang kanta, kapansin-pansin na ang problema ni Bono sa kanyang boses. Ilang beses ding tumigil sa pag-awit ang 58 taong gulang na singer para uminom mula sa kanyang thermos flask. Kalaunan ay inihayag niyang hindi na niya kayang kumanta pa.

Maaari namang bumalik ang audience sa isa pang U2 concert.

“As always, we appreciate our audience’s understand­ing and all our fans’ support in Berlin and those who travelled from afar. We will update you very soon,” lahad pa ng grupo.

Sa unang Berlin show nitong Biyernes, nagpahayag ng pagtutol si Bono sa far-right violence sa Chemnitz City sa Germany, kamakailan.

 ??  ?? Bono
Bono

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines