Balita

Dakota, kinailanga­n ng therapist pagkatapos ng ‘Suspiria’

-

INAMIN ng aktres na si Dakota Johnson nitong Sabado na kinailanga­n niyang pumunta at makipag-usap sa eksperto matapos niyang gampanan ang lead role sa bagong horror movie ng Oscar-winning director na si Luca Guadagnino, ang Suspiria.

Ibinunyag ito ng bida ng sadomasoch­ism-tinged na Fifty Shades of Grey film sa premiere ng pelikula sa Venice film festival.

“When you’re working sometimes with dark subject matter it can stay with you,” aniya sa mga mamamahaya­g.

“I absorb a lot of people’s feelings,” sabi ni Johnson. “Then you talk about it with someone very nice afterwards. It is a really nice to (help you) move on from the project and my therapist is a very nice woman.”

Gumanap si Dakota, 28, na anak ng mga aktor na sina Melanie Griffith at Don Johnson, at apo ng Alfred Hitchcock favourite na si Tippi Hedren, bilang isang batang American Amish woman na obsessed sa isang German modern dance group.

Pagkatapos niyang mag-audition para makasali sa grupo, naengganyo naman siya sa nakakikila­bot na kulto ng mga modernong witch, habang isaisang nawawala ang mga kapwa niya dancers. Ang pelikula, na madugong remake ng horror legend ni Dario Argento noong 1977, ay kinunan sa nakakatako­t na all-female dance school sa Cold War Berlin.

Inamin ni Luca na sobra siyang obsessed kay horror legend na si Dario, at in-stalk na niya ito noong siya ay teenager pa lamang.

Noong 14-anyos ay gumuhit siya ng sariling bersiyon ng poster para sa original na pelikulang Suspiria sa kanyang school notebook.

Nang sumunod na taon, nabalitaan ng batang Sicilian na ang direktor, na ama ng aktres na si Asia Argento, ay nasa Palermo.

“Somebody called my mum and said ‘Dario Argento is in a restaurant in town, tell your son’,” pagbabahag­i ni Luca. “I went alone and I stood at the window of the restaurant staring at him until he finished his dinner. He was really worried. I think he was paranoid thinking who is that young man looking at me!”

“I love Dario,” dagdag pa niya. “I wouldn’t be here without him. I became obsessed by the screen masters and he is one of them.”

 ??  ?? Dakota
Dakota

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines