Balita

KAMANDAG

- NI LEONARDO T. BULURAN R.V. VILLANUEVA

Ika-18 labas

HABANG sakay ng dyip pauwi ang mag-asawang Fermin at Nena, nagpapahay­ag ng determinas­yon si Fermin na bilhin na ang property na binibisita nila. Gustong magpahayag ng pagtutol si Nena pero hiwagang hindi niya masabi ang ganoon.

“Bakit hindi ka magsabi ng opinyon mo?” Tanong ni Fermin. “Gusto mo rin ba ang ari-ariang ‘yon, love?”

“Oo naman.” Bakit kay bilis at kay dulas ng kanyang sagot. May makapangya­rihang lakas bang nagtutulak sa kanya para sumangayon?

Hindi pa rin nawala sa isip ni Nena ang mga hiwaga, hindi na mga kapanipani­walang mga pangyayari. Hindi kaya napuna o napag-ukulan ng pansin ni Fermin ang mga iyon? O ayaw lang siyang takutin ng kanyang mister?

Pilit iginigiit ni Nena sa kanyang sarili na namamalikm­ata lang siya. O mga pangitain lang ang lahat. Matapang ako, sabi niya sa kanyang sarili. Hindi totoo ang mga maligno; ang mga supernatur­al; ang mga pangyayari­ng out of this world.

Pero itong parang nay kapangyari­hang pumipigil sa kanya para magsalita at magsabi kay Fermin ng mga nakikita niya at nararamdam­ang hindi pa rin ba totoo ang mga ito?

“Hindi pa naman masyadong sira ang bahay na ‘yon,” si Fermin uli ang bumasag sa matagal na katahimika­n. “Ano sa tingin mo, love?”

Ibig niyang sabihin: Huwag na lang kaya ‘yon ang bilhin natin?

Pero ang sinabi niya: “Siguro nga. Kongreto naman kasi.”

Bakit ba iba ang iniisip niya kaysa sa kanyang sinasabi?

“Konting areglo lang do’n sa bahay... p’wede na nating lipatan. Say mo?” si Fermin uli.

“Siguro nga,” sang-ayon na naman niya.

“Sa tant’ya ko, talagang suwerte tayo. Napag-usapan na naming ni Benjie ang detalye ng magagastos. Siniguro ni Benjie, sa ipon ipon at sa ipapautang niya, maaayos na ang lahat. Nakumpuni na ang bahay, may instilasyo­n na ng kuryente at telepono at may kongkreto nang bakod.”

Sa malas, masaya at maligaya si Fermin. Puwede ba namang sirain niya ang ganoong mood ng asawa? Muli, matagal na katahimika­n. “May napuna yata ako sa’yo, love.” Si Fermin uli ang nagsalita. “Parang hindi ka masaya.”

Salamat naman at napuna mo. Bakit sa kanyang sarili lamang uli siya nagsasalit­a? Nang magsalita siya, sabi niya:

“E, Fermin... desidido ka na bang kunin ang ari-ariang ‘yun?”

Hindi yata nakuha ni Fermin ang ibig niyang sabihn. Anito: “Di ba kasabihan: Ang pagkakatao­n daw, minsan lang kumakatok. Kung may kasunod man, natatagala­n. O baka nga hindi na umulit.”

Hindi ‘yun ang gusto ko. Sa kanyang isip lang uli nagsasalit­a si Nena. Ang nasabi niya: “Wala kaya tayong makikitang iba?”

“Meron naman. Mga hulugan. May’rong payable in 15 years... mayro’n 25 years. Ang hirap yata ng may hulugan. Kung minalas ka nga... hindi pa tapos ang hulugan mo, tepok ka na.” Tawa. “O kaya naman... hindi ka pa nga nangangala­hati... mawawalan ka na ng pinagkakak­itaan.” Buntong hininga.

“Maganda naman siguro ang location,” sabi niya. Ang gusto sana niyang idugtong: Bakit hindi na lang tayo doon kumuha?

Parang sagot sa nasa isip niya ang dugtong ni Fermin: “Siyempre, mas maganda ang mga first class na subdibisyo­n. Pero ang tiyal, hindi natin kayang hulugan. Di ba ang gusto natin ay katahimika­n. Narito sa ganitong lugar ang hinahanap natin. ‘Yom ang sigurado. Saka, hindi naman talaga napakalayo sa kabihasnan.”

Sa himig ng pagsasalit­a ng kanyang mister, halata ni Nena, mahirap nang baguhin ang determinas­yon nito.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines