Balita

UST Spikers, sabak vs Adamson sa PVL

- Marivic Awitan

MULING ginapi ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 25-15, 16-25, 25-22, 21-25, 15-8, upang pormal na mawalis ang ang kanilang semifinals series at umusad sa championsh­ip round ng men’s division ng Premier Volleyball League 2 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center.

Umiskor si team captain Manuel Medina ng 19 na puntos galing sa 16 na spikes, 2 aces, at 1 block habang nagdagdag si rookie Genesis Redido ng 14 na markers upang pamunuan ang panalo.

Sinamantal­a ng UST ang errant passing ng Falcons sa fifth set at agad nilayuan ang huli, 8-2 upang di na luminhon pang muli para selyuhan ang panalo.

“Wala naman kaming expectatio­ns pero we will take the win and opportunit­y na makapag-finals para mabigyan ng championsh­ip experience ang team,” ani UST coach Odjie Mamon. “Babalik kami sa fundamenta­ls. May mga basic plays kami na nawala for the past four games.” Nanguna naman si Paolo Pablico para sa Adamson na may 21 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines