Balita

Ritz, ngayon pa lang nagpapalig­aw

- Ni NORA V. CALDERON

“KABALIGTAR­AN ng tunay na ako ang role ko rito sa The Hopeful Romantic.” Ito ang isinagot ni Ritz Azul sa tanong kung ano ang character na ginagampan­an niya sa kanyang first mainstream movie sa Regal Films. “Here, I am Veronica, gold digger, mahilig sa mayayaman, marami siyang secrets. Then mami-meet ko si Jess, si Pepe Herrera, na akala ko ay mayaman. Pero hindi pala, isa lamang siyang valet ng isang top hotel.

“Doon na po papasok ang conflict sa story naming dalawa. Masaya, may konting sexy scenes, may bed scene kami, tulad ng napanood ninyo sa trailer.”

Ayaw namang sabihin ni Ritz ang name ng guy na idinedate niya ngayon.

“Noon po kasi, focus lang ako sa career ko. Marami akong gusto munang marating.

“Yes, dating-dating lamang kami ngayon. He’s very supportive sa career ko, hindi siya nakikialam sa trabaho ko. Wala pa kaming romantic date, nagstart kaming barkada at naging very close na kami ngayon.

“I met na his parents, nameet na rin niya ang parents ko. At ngayon lamang talaga ako nag-entertain ng suitors, no boyfriend po ako talaga since birth,” natatawang kuwento ni Ritz, na 24 anyos na ngayon.

“Pagdating naman kay Pepe, hindi po ito ang first time naming nagkasama. Nagkasama na kasi kami sa teleseryen­g Ang Probinsiya­no at siya rin, first mainstream movie niya ito.

“Natawa lang ako sa kanya dun sa bed scene namin, dahil nanginig siya talaga sa eksena. Ganoon pala siya, pero dahil close na nga kami sa set, naayos naman. Tahimik at seryoso kasi si Pepe, kahit comedian siya.”

Pero para mapalagay daw ang loob ni Ritz sa role na ginampanan niya, ipinakita raw niya sa parents niya at sa mga kaibigan niya ang trailer, at nakahinga raw siya nang maluwag nang matanggap ang komento ng mga ito.

“Nasaan si Ritz doon, hindi namin nakita. Ibang-iba ka, si Ritz na actress ka,” reaksiyon ng kanyang pamilya.

Ayon pa kay Ritz, may moral lesson daw sa movie nila, partikular para sa mga karakter nila ni Pepe. “Kailangang maging totoo ka, huwag kang maging mapagpangg­ap,” sabi pa ni Ritz.

Ang The Hopeful Romantic, na idinirehe ni Topel Lee, ay showing na sa Wednesday, September 12, in cinemas nationwide.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines