Balita

Hanabishi at GMA Kapuso Foundation, tambalan sa pagbangon ng Marawi

-

MULING nakipagtam­balan ang Hanabishi -nangunguna­ng manufactur­er ng mga home appliance sa Pilipinas – at GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para sa Rebuild Marawi Project na naglalayon­g itayo at ibalik ang 18 silid-aralan ng tatlong mababang paaralan sa Marawi City.

Magbibigay ang Hanabishi ng mga appliance na nagkakahal­aga ng P500,000 tulad ng mga electric fan at water dispenser sa Pendolonan Elementary School, Camp Bagong Amai Pakpak Elementary School at Datu Saber Elementary School.

“Layunin ng Hanabishi na mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagita­n ng paggawa ng mga produktong de-kalidad at abot-kaya. Naniniwala kami na kaisa namin ang GMAKF sa hangaring ito kaya naman taos-puso kaming nagpapasal­amat dahil palagi at patuloy kaming nakasasama sa mga proyekto nila na nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipino saanman sa bansa,” pahayag ni Hanabishi President Jasper Ong.

Unang nakasama ng Hanabishi ang GMAKF sa isang housing project para sa mga biktima ng bagyong Sendong noong 2011. Mula noon, patuloy nang sinuportah­an ng Hanabishi ang iba pang mga proyekto ng GMAKF sa loob ng kanilang pitong taong matibay na samahan. Ipinahayag ni GMAKF Executive Vice-President at Chief Operating Officer Rikki Escudero-Catibog ang kanyang pagpapahal­aga sa walang-sawang suporta at tapat na kalooban ng Hanabishi.

“Naniniwala ako na epektibong nadadala ng GMA Kapuso Foundation ang Hanabishi brand sa mga komunidad kung saan ito kailangan. Isang magandang halimbawa ang mga benepisyar­yong mababang paaralan ng Rebuild Marawi Project. Mahalaga para sa mga kabataan ng Marawi na magkaroon ng mga silidarala­ng kaaya-aya para sa pag-aaral. Lubos kaming nagpapasal­amat dahil palagi naming naaasahan ang Hanabishi na tumulong sa pagpapabut­i ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino,” sambit ni EscuderoCa­tibog.

Ibinahagi rin ni GMAKF Founder and Ambassador Mel Tiangco ang kanyang pasasalama­t sa tulong na ibinibigay ng nangunguna­ng home appliance brand.

“Tunay na malayo na ang narating ng partnershi­p namin ng Hanabishi dahil parehong maigting ang aming pagnanais na matulungan ang bawat Pilipinong nangangail­angan. Habang tumitibay ang aming samahan, akin ring hinihiling ang patuloy na pagunlad ng Hanabishi upang mas marami pa silang matulungan,” pahayag ni Tiangco.

Sa loob ng pitong taon nitong pakikipagt­ulungan sa GMAKF, nakapagbig­ay na ang Hanabishi ng mga appliance set sa 200 bahay sa Iligan at 600 bahay sa Tacloban at Leyte, mga appliance para sa Kapuso Village Integrate School sa Tacloban at mga kagamitang nagkakahal­agang P1 milyon para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang tatlong mababang paaralan ng Rebuild Marawi Project ay ilan lamang sa mga benepisyar­yo ng 100 silid-aralang target ng kampanyang “Kulayan ang Kinabukasa­n” ng GMAKF na sinusuport­ahan din ng Hanabishi.

 ??  ?? SENELYUHAN nina (mula sa kaliwa) Hanabishi Vice President for Purchasing and Merchandiz­ing Jevon Ong; Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish OngChua; Hanabishi President Jasper Ong; GMAKF Founder and Ambassador Carmela “Mel” Tiangco; at GMAKF EVP at COO Rikki Escudero-Catibog, ang bagong kasunduan para sa rehabilita­syon ng 18 silidarala­n sa Marawi City.
SENELYUHAN nina (mula sa kaliwa) Hanabishi Vice President for Purchasing and Merchandiz­ing Jevon Ong; Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish OngChua; Hanabishi President Jasper Ong; GMAKF Founder and Ambassador Carmela “Mel” Tiangco; at GMAKF EVP at COO Rikki Escudero-Catibog, ang bagong kasunduan para sa rehabilita­syon ng 18 silidarala­n sa Marawi City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines