Balita

NDRRMC todo-paghahanda vs super bagyo

- Nina FRANCIS T. WAKEFIELD at ALEXANDRA DENNISE SAN JUAN May ulat ni Beth Camia

Naka-blue alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center habang patuloy ang isinasagaw­ang monitoring sa lagay ng panahon kasabay ng mga paghahanda para sa bagyong ‘Neneng’ at sa papalapit sa bansa na bagyong Mangkhut (internatio­nal name).

Bandang 5:00 ng hapon nitong Lunes nang itaas ng NDRRMC ang blue alert status, kasabay ng pakikipagp­ulong ng mga opisyal ng ahensiya sa mga kinauukula­ng ahensiya para sa mga ginagawang paghahanda, partikular sa Mangkhut, na posibleng maging super typhoon.

Lumabas na sa bansa ang Neneng kahapon ng umaga, habang kumikilos patungong katimugang China.

Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang Mangkhut ngayong Miyerkules ng umaga, at tatawaging ‘Ompong’.

Hindi kinukumpir­ma ng PAGASA bilang super typhoon ang Mangkhut, bagamat may posibilida­d na umabot sa 210 kilometers per hour (kph) ang lakas ng hangin nito, habang ang bugso ay aabot sa 260 kph.

Tatahakin ng Mangkhut ang Cagayan-Batanes area bandang Sabado, at kahapon ay namataan may 1,845 kilometro sa silangan ng Southern Luzon na may lakas na hanging aabot sa 170 kph, at bugsong hanggang 210 kph, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph.

Katuwang ng NDRRMC sa mga paghahanda ang pulisya at Northern Luzon Command ng militar; ang mga lokal na pamahalaan, sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ang Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

 ?? MARK BALMORES ?? ALERTO SA BAGYO Itinuturo kahapon ng weather forecaster ang posisyon ng posibleng super typhoon na may internatio­nal name na ‘Mangkhut’, sa tanggapan ng PAGASA sa Quezon City. Kapag naging bagyo sa bansa, tatawagin itong ‘Ompong’.
MARK BALMORES ALERTO SA BAGYO Itinuturo kahapon ng weather forecaster ang posisyon ng posibleng super typhoon na may internatio­nal name na ‘Mangkhut’, sa tanggapan ng PAGASA sa Quezon City. Kapag naging bagyo sa bansa, tatawagin itong ‘Ompong’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines